Ama na may kapansanan, isinayaw pa rin ang anak sa debut nito

Ama na may kapansanan, isinayaw pa rin ang anak sa debut nito

- Nakakantig ang video ng isang amang nakasaklay na ngunit isinayaw pa rin ang anak nitong nagdiwang ng ika-18 kaarawan

- Naging emosyonal ang ang lahat nang makita ang mag-ama

- Labis na hinangaan ang ama ng dalaga sa ginawang sakripisyo nito sa anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng isang netizen na si Daisy Carso ang nakaaantig na tagpo kung saan ang isang ama ay pilit na isinayaw ang anak na nagdiriwang ng ika-18 kaarawan.

Nalaman ng KAMI na ang sayaw ay bahagi ng debut ng anak ni Mang Odet Belas. Sa saliw ng kantang Dance with my father, lumapit ang ama sa anak bilang siya ang last dance nito.

Bagaman at naka-tshirt lamang at naka-shorts ang ama, talagang isinayaw pa rin niya ang anak na si Rosalinda sa tulong ng kanyang mga saklay.

Labis na natuwa naman ang dalaga na naluha na lamang sa napaka-emosyonal na yugto na iyon ng kanyang debut.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kwento pa ni Daisy, kahanga-hanga talaga si Mang Obet na isa pa lang mangangalakal. Talagang pinagsumikapan daw nito na magkaroon ng selebrayon ang 18th birthday ng anak.

Ginawa talaga ni Mang Obet ang lahat mapasaya lamang noong Agosto 31 si Rosalinda.

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Ibang klase talaga! Albert Martinez, nagpapakabusy para maiwasang isipin ang lovelife

Ibang klase talaga! Albert Martinez, nagpapakabusy para maiwasang isipin ang lovelife

Ibang klase talaga! Albert Martinez, nagpapakabusy para maiwasang isipin ang lovelife
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel