Mang Inasar! Video ng customer na gumamit ng 'pick-up line' sa paghingi ng rice, nag-viral

Mang Inasar! Video ng customer na gumamit ng 'pick-up line' sa paghingi ng rice, nag-viral

- Viral ang video ng lalaking di lang naka-speaker sa paghingi ng extra rice, may pick-up line pa

- Agaw eksena ang ginawa ng lalaki na talaga namang nakakatuwa

- Umabot na sa halos kalahating million na views ang video na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang video na binahagi ng netizen na si Kevin Del Mundo Reyes kung saan ang isa niyang tropa ay may kakaibang ginawa para makahingi ng extra rice sa Mang Inasal.

Kilala ang Mang Inasal sa bansa dahil sa unlimited rice na offer nila. Iyon nga lang, medyo mahirap minsan tawagin ang crew na nagbibigay ng extra rice.

Kaya naman naisipan ng tropa ni Kevin na gumawa ng kakaibang gimik sa pagtawag sa crew. Gumamait siya ng microphone app sa kanyang cellphone at kinabit pa ito sa speaker. Saka niya tinawag ang crew na naglalagay ng extra rice.

Ngunit di lang ito, bumanat pa ang tropa ni Kevin ng hirit na "Pag lumingon ka, extra rice pa" na kinatuwa di lang nilang magkakaibigan kundi maging ng kumakain sa branch na ito ng Mang Inasal.

Di man pinakita sa video kung nilapitan nga agad ang lalaking ito ng crew ngunit tiyak na natatawa na lamang ito sakaling nilapitan na niya ang magkakaibigan.

Samantala, di ito ang unang beses na may ginawang kakaibang gimik ang customer sa pagtawag ng extra rice sa Mang Inasal. Sa nauna nang kwento na naibahagi ng KAMI, isang babae naman ang nagdala ng bluetooth microphone upang matawag lang ang crew na nagbibigay ng extra rice.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maging ang mga netizens ay tuwang tuwa sa ginawa na ito ng lalaki. narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ang corny na mshado haha"

"pasikat kalang eh. gaya gaya walang originality.."

"hahahaha try nga natin"

"level up na yung mic"

"gusto ko tuloy kumain sa Mang Inasal hahahaha"

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakabahala! Trip lang ba? Away na beki vs gangster sa kalsada

Nakakabahala! Trip lang ba? Away na beki vs gangster sa kalsada

Nakakabahala! Trip lang ba? Away na beki vs gangster sa kalsada
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel