Fil-Ams na nagviral dahil sa McDonald's prank nila waging-wagi sa The Ellen Show

Fil-Ams na nagviral dahil sa McDonald's prank nila waging-wagi sa The Ellen Show

- Kamakailan lang ay nagtrending ang dalawang Filipino American students sa Amerika dahil sa nakakawindang na prank na ginawa nila na nagviral

- Ayon pa kay Jevh Maravilla sa kanyang trending tweet na napansin daw niya ang bakanteng espasyo sa wall sa isang McDonald's kaya naisipan niyang gawan ng fake poster kasama ang kaibigan na si Christian Toledo

- Pero hindi nila expected na aabot sa mahigit na 1 million likes at daang libong retweets ang mangyayari kaya naman napansin ito ni Ellen DeGeneres at ginuest sila sa show niya

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Una naming naispatan ang nakakaaliw at nakakalokang kwento ng viral na pranks na nagtrending na Fil-Ams na sina Jevh Maravilla at Christian Toledo na talaga namang tumawag ng pansin sa sikat na TV host at comedienne na si Ellen DeGeneres sa PEP.

Napag-alaman ng KAMI na nagsimula pala ang naturang viral McDonald's prank sa YouTube channel ni Jevh na Jevholution.

Inupload niya ang video noong August 2, 2018, at nagkaroon na ito ng mahigit isang milyon na views.

Pagkatapos ng 51 days na pagkabit niya sa naturang fake poster ay tinweet niya ang naturang insidente noong September 2, 2018, na nakatanggap din ng mahigit isang milyong likes at daang libong retweets.

Kaya naman na agaw ang pansin ni Ellen at ginuest ang dalawa sa show niya.

Dito kinwento nila, kung paano nila ito nagawa, at ang reaksyon ng McDonald's, na noong una hindi alam ang pagkabit nila ng poster.

Ani pa umano ng corporate office ng naturang fast food chain, natanggal na raw ang nasabing prank poster noong nagrenovate ang tindahan.

Ngunit, ipapa-auction daw nila ito at ang proceeds ay mapupunta sa Ronadl McDonald House Houston Charity.

Bukod pa rito ay kinuha pa sina Jevh Maravilla at Christian Toledo sa bagong marketing campaign ng tindahan at binayaran sila ng tig-$25,000 sa pamamagitan kay Ellen.

Ani pa ni Jevh bungad sa kanyang YouTube viral video:

"If you haven't noticed, there isn't a lot of Asians representing in the media, and hopefully, one day, I can see someone like me in the big screen."

Nakapop-up ang picture ng Crazy Rich Asians poster habang sinasabi niya ang mga linya sa taas.

Tila natupad na nga ang pangarap ni Jevh dahil nakita na rin siya sa telebisyon, at kasama pa ang sikat na si Ellen DeGeneres.

At ngayon, pinag-uusapan na siya sa mga local news sa Amerika.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Raffy Tulfo airs Mystica’s consequence for complaining about the help he gave

Raffy Tulfo airs Mystica’s consequence for complaining about the help he gave

Raffy Tulfo airs Mystica’s consequence for complaining about the help he gave
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel