Nagharap na! Kabit na humahawak ng ATM ni mister at si misis nagtuos tungkol sa sustento

Nagharap na! Kabit na humahawak ng ATM ni mister at si misis nagtuos tungkol sa sustento

- Sa wakas, nagharap na si Jennifer, na lehitimong asawa, at ang kabit na si Victoria

- Nagkita ang dalawa sa barangay hall at nag-usap tungkol sa kulang na sustentong natatanggap ni Jennifer

- Maraming mga salita ang binitawan sa magkabilang panig dahil mapangbintang daw si misis sabi ni kabit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nabigyan ng pagkakataon si misis na makaharap, hindi lamang si mister, kundi pati na rin si kabit.

Batay sa naunang ulat ng KAMI, si misis ay nagngagalang Jennifer, at ang kabit naman ay si Victoria.

Nagharap ang dalawang babae sa buhay ni Boymar dun sa barangay, kasama na rin ang isang babaeng representate ng Raffy Tulfo in Action.

Sabi ni misis, nagpadala daw siya ng pera na P24,000 para pang-placement fee ni Boymar.

Yun pala nasa piling ng iba si Boymar. Sabi ng kapatid ni Victoria, sabi daw ni Boymar sa ate niya na hiwalay na siya sa asawa niya.

Kaya nung nagkaharap na sina Jennifer at Victoria nagkaalaman na.

Sabi ni Victoria wala raw siyang sasabihin, pero nagsorry siya dahil may kasalanan daw siya kay Jennifer.

Si Jen naman yung gusto niya ay dapat sinunod ni Boymar at ni Victoria ang kasunduan sa PAO.

Iginiit niyang okay lang daw sa kanya ang masira, pero sana huwag sirain ang buhay ng mga bata.

Sabi naman ni Victoria ay biktima lang daw siya, alam naman daw niya ang pagkakamali niya na hindi nasunod ang PAO.

Sagot naman ni Jennifer na yung mga anak niya ang dapat makatanggap ng sustento.

Ayon naman kay Victoria, yung binibintang sa kanya na niulustay niya ang pera ay hindi totoo dahil siya ay may sari-sari store.

Eto ang buong pag-uusap nilang dalawang babae sa buhay ni Boymar.

Source: Kami.com.ph

Related news
Ikaw na! Jessy Mendiola, kering-keri ang lava walk, live slo-mo turn ni Catriona

Ikaw na! Jessy Mendiola, kering-keri ang lava walk, live slo-mo turn ni Catriona

Ikaw na! Jessy Mendiola, kering-keri ang lava walk, live slo-mo turn ni Catriona
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel