Gwapings! Jomari Yllana at ang super cute happy baby boy niya

Gwapings! Jomari Yllana at ang super cute happy baby boy niya

- Laman nga ng mga pahayagan ngayon sa mga enteratinment websites ay ang pagiging daddy muli ng dating Gwapings na si Jomari Yllana

- Pagkatapos raw ng halos dalawang dekada o almost 20 years ay nagkaroon ulit siya na anak na lalaki at ang cute ng mga pictures na shinare niya online

- Proud daddy again si Jomari sa pagwelcomed niya ng kanyang new baby boy Jom Christiano Ayrton sa mundo at nagbigay siya ng mga pasilip na mga cute snaps ng anak

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa balita na una naming nasagap sa Push.com, isang ama ulit ang dating miyembro ng Gwapings na si Jomari Yllana.

Nagkababy ulit ang aktor pagkatapos ng almost 20 years o halos dalawang dekada, at ito ngayon ay anak niya sa non-showbiz girlfriend niya na si Joy Reyes, ayon pa sa nakuhang balita ng KAMI sa media source.

Pinangalanan nila ang kanilang baby boy na si Jom Christiano Ayrton na winelcomed nila noong July.

At kitang kita naman ang pagkahumaling at pagmamahal ng talentadong aktor sa bagong addition ng kanyang pamilya.

Proud daddy naman talaga si Jomari, at sa katunayan ay tila palagi siyang nagbabahagi ng mga larawan ng kanyang new baby boy sa IG niya.

Sa isa pa raw na photo na shinare niya ay naglagay pa si Jomari Yllana ng sweet caption.

Ani pa daw ng aktor:

“You make me smile, you make me sing. You take my breath away.”

Una naming nabalita dito ang pagwelcomed ng proud daddy na si Jomari sa kanyang bagong baby boy kamakailan lang.

Si José María Garchitorena Yllana o mas kilala sa pangalang Jomari Yllana ay ang nakakabatang kapatid ng Eat Bulaga dabarkad Anjo Yllana.

Isang magaling na aktor, model, race car driver, at concert producert at promoter si Jomari, ayon pa sa kanyang online bio.

Sumikat ng husto ang aktor nang naging parte ng 90s teen group ang Gwapings, at kasama niya rito sina Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso, at kalaunan ay napasama na rin si Jao Mapa.

May 18-year-old na anak na lalaki siya kay Aiko Melendez na si Andre na talagang agaw-pansin din ng mga netizens sa online world dahil sa kagwapohan.

POPULAR: Read more news about Jomari Yllana here

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid

"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid

"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel