Netizens, naloka sa video ng libing na 'Booom booom' ng Momoland ang tugtog

Netizens, naloka sa video ng libing na 'Booom booom' ng Momoland ang tugtog

- Nag-viral ang video ng isang libing na 'Booom boom' ng Momoland ang ginamit na background music

- Makikitang nagsasayaw pa ang mga naghahatid sa patay sa huli nitong hantungan

- Umani ng iba't ibang reaksyon ang video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naloka ang mga netizens nang mapanood ang video kung saan 'Booom boom' ng Momoland ang ginamit na background music sa paghahatid ng patay sa huling hantungan.

Sa video na binahagi ng Unofficial:Vice Ganda, kakaiba talaga ang paghahatid sa huling himlayan ng isang namayapang Pinoy dahil sa nakikisayaw pa talaga ng Boom boom ang mga nakiramay.

Bukod dito, nalaman pa ng KAMI na may kaunting baha pa sa lugar ngunit di ito alintana sa mga tao naghahatid.

Sa unahan pa ng karo, makikitang may nakikisabay pa sa kantahan bukod sa sayawan.

Game na game maging ang nagmamaneho ng karo at talaga namang napapasayaw pa.

Naisip tuloy ng mga netizens na maaring avid fan ng Momoland ang taong namayap o maaring nagbilin ito na ayaw niyang makitang nalulungkot ang mga taong naiwan niya sa kanyang libing.

Ang ilang netizens naman ay tila di natuwa sa ginawa na ito ng pamilya ng yumao na para raw di na-respeto ang patay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang komento:

"Ganyan Dapat happy lnq KSE total lahat nman tayo mamatay sa ayaw at sa gusto natin Diba AHAHAAHAAH"

"Kasi Kung malungkot ung music parang Hindi nila dali2x matanggap kaya gusto nila sa araw NG libing happy sila Kay nagpa boom boom sila hahaha"

"I can't say condolence :) Ang saya nila :) May nawala man pero atleast they still happy kasi alam ko yun yung gusto nung namatay "

"kakaibang libing, ayos yan masaya"

"di tayo nainform sa libing nito...."

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin

Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin

Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel