City of Naga sa Cebu, ginambala ng isang landslide; Halos 30 na bahay ang natabunan

City of Naga sa Cebu, ginambala ng isang landslide; Halos 30 na bahay ang natabunan

- Ngayong Huwebes ng umaga ay biglang nagkaroon ng landslide sa City of Naga, Cebu

- Kasalukuyang inaalam pa kung may mga residenteng na-trap sa kanilang mga bahay

- Ngunit 4 na patay na ang naitala at halos 30 na bahay ang natabunan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang landslide ang sumalanta sa City of Naga sa Cebu ngayong Huwebes ng umaga. Ilang mga residente ang sinusubukang ilikas pa rin hanggang sa ngayon.

Nalaman ng KAMI na ayon kay Naga Police Chief Inspector Roderick Gonzales, isang 4-year old na bata, dalawang matandang babae at isa pang adult ang namatay dahil sa landslide na nangyari. Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin masabi kung ilang residente ang na-trap sa kanilang mga bahay.

Ngunit, posibleng 30 na bahay ang talagang natabunan sa Barangay Tinaan at Barangay Naalad.

Base pa sa report ng CNN Philippines, nahihirapan sila Gonzales sa rescue operation ngayon dahil sa malambot na lupa na dulot ni Bagyong Ompong. Aniya, “Kapag naghukay ka, biglang gumuguho ulit. Very crucial ang ginagawang rescue.”

Noong hagupit ni Bagyong Ompong ay 40 landslides ang naitala. Isa na nga rito ang nangyaring insidente sa Barangay Ucab sa Itogon, Benguet kung saan 22 na katawan ang natagpuan at halos 47 naman na tao ang kasalukuyan pang hinahanap.

Sa dating report naman ng KAMI ay lagpas na ng isang milyon ang mga nasalanta ni Bagyong Ompong. Ayon sa Philippine National Police ay 81 ang naitalang patay dahil sa hagupit ng bagyo.

In this episode of our series of pranks in the Philippines 2018, our host will ask strangers to hold his plastic cup for a while. And then several passersby will put coins in it… Are you ready to make some fun? - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
NBA star Lamar Odom to represent Philippines in Dubai tournament

NBA star Lamar Odom to represent Philippines in Dubai tournament

NBA star Lamar Odom to represent Philippines in Dubai tournament
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel