Never sold?! Neverland ni Michael Jackson hindi mabenta benta umano

Never sold?! Neverland ni Michael Jackson hindi mabenta benta umano

- Ayon pa sa balita, ang 2,700-acre property ng yumaong King of Pop na si Michael Jackson ay hindi mabenta benta umano

- Tatlong taon na daw nakalista sa market ang sikat na Neverland Ranch ng multi-awarded singer-songwriter

- Saad pa sa ulat, nasa market pa sya hanggang ngayon at tila dahil sa hindi pa naiibenta binabaan ang original listing price noong 2015 ng 33% ngayon

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Una naming naispatan ang balitang ito sa Business Insider dahil nagtrending ito ngayon sa Facebook.

Ayon pa sa naturang source, ang sikat na Neverland Ranch ng yumaong King of Pop na si Michael Jackson ay nakalista na market simula pa noong 2015.

At sa kabila ng maraming renovations sa lugar na milyon milyong dolyares ang nagastos, malaking pagbaba sa presyo, at bagong pangalan ay hindi daw mabenta benta ang nasabing property.

Napag-alaman ng KAMI na mula sa orihinal na presyo nitong $100 million noong 2015 listing price niya ay bumaba ito ng 33%, sa presyong $67 million ngayon, at pinangalanan na itong Sycamore Valley Ranch.

Ang nasabing rantso na dating pagmamay-ari ni Michael Jackson ay may lawak na 2,700 acres at mayroong 12, 598 square foot French-Normandy style main residence na mayroon daw limang kwarto, walong bathrooms.

Bukod pa rito, mayroon din daw dalawang guest houses, isang lake, isang 50-seat movie theatre, isang tennis court, isang 14-ft lagoon-style pool, isang dance studio, at barns.

Dagdag pa rito ay ang separate staff facilities.

Ani pa sa ulat, mabibili na ang dating bahay ng King of Pop sa halagang $67 million pero kailangan pa raw pumasa sa tinatawag na "extensive prequalification," ayon pa raw ng The Wall Street Journal.

Tingnan ang buong rantso na tinatawag ngayong Sycamore Valley Ranch.

Source: Kami.com.ph

Related news
Bumalik na alindog niya! Rufa Mae Quinto flaunts the return of her hour-glass figure

Bumalik na alindog niya! Rufa Mae Quinto flaunts the return of her hour-glass figure

Bumalik na alindog niya! Rufa Mae Quinto flaunts the return of her hour-glass figure
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel