Dapat daw! Valerie Concepcion ibinunyag ang major gusto sa January 2020 wedding

Dapat daw! Valerie Concepcion ibinunyag ang major gusto sa January 2020 wedding

- Kamakailan lang ay inanunsyo ng Kapuso aktres na si Valerie Concepcion ang engagement ring na handog ng kanyang soon-to-be-husband

- Super excited daw ang mother of one na makipag-isang dibdib sa kanyang non-showbiz fiancé na si Francis Sunga

- Pero on-hold muna daw ang wedding preparations dahil sa career at may isang major gusto siya sa darating na wedding ngayong January 2020

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa ulat na hatid ng PEP, napanayam ng huli ang 30-year-old GMA-7 actress na si Valerie Concepcion.

Ayon daw sa aktres, on hold muna umano ang wedding preparations dahil kailangan daw niyang magfocus sa show niyang Ika-5 Utos.

Nalaman ng KAMI na ipinaliwanag daw ng aktres kung bakit nagka ganoon.

Ani ni Valerie:

"He proposed to me last July pero no plans yet on the date or anything. Wala pang details kasi as of now, I'm doing Ika-5 Utos sa GMA so we're planning na tapusin muna yun. Or if God willing magtagal yung show, ang target namin would be January 2020."

Pero huwag daw mag-alala mga fans dahil yun naman daw ang pinaka-late na at ultimatum nila.

"Yun yung pinaka-late. Yun pa lang napag-usapan namin, yung ultimatum namin, but yung pinaka-date wala pa."

Dagdag pa ng aktres:

"Originally 2019, pero siyempre kung magtatagal yung show, why not? Kasi at least, makakaipon din before the wedding and all, di ba?"

At nung tinanong ang aktres tungkol sa kanyang dream wedding, ang tugon niya:

"Actually before ano ako, e, very traditional yung gusto ko—church wedding, ganyan. But now kasi, my fiancé is Christian so we're probably gonna have a Christian wedding. Sabi ko nga garden kami kasi Christian wedding, e."

Ngunit, may major gusto siya sa nasabing wedding dahil pawisin daw talaga siya.

Ani niya:

"Pero kakasabi ko lang sa kanya na, 'Wait, we can't do garden pala! Kasi gusto ko air con! Kasi ito nga air con, pinagpapawisan na ako, di ba? Pano pa yung hindi?"

Hindi rin daw traditional wedding dress ang isusuot niya pero gusto pa rin niya ang naka-gown.

"I want something like nude or flesh pero ang gusto ko pa rin talaga naka-gown."

Ibinahagi namin kamakailan lang ang engagement buzz ni Valerie Concepcion.

Nakilala ng husto si Valerie Concepcion bilang isa sa mga orihinal hosts ng dating programa ni Willie Revillame sa Kapamilya, na ngayon ay Wowowin sa Kapuso.

Sumikat lalo ang aktres dahil sa kanyang mga kontrabida roles na talaga namang napaka effective niya.

Sa ngayon, makikita siya sa Kapuso afternoon drama series, Ika-5 Utos.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid

"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid

"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel