Dahil sa trip, muntik na niyang ipahamak ang kanyang katrabaho

Dahil sa trip, muntik na niyang ipahamak ang kanyang katrabaho

-Isang welder ang muntik nang mapahamak dahil sa pangti-trip ng kanyang katrabaho

-Sa isang video, makikita ang isang lalaki na busy sa kanyang wini-welding nang bigla na lamang siyang gulatin ng kanyang katrabaho

-Dahil sa gulat, bigla na lamang niyang naihagis ang kanyang hawak na machine at natumba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dahil lamang sa trip, isang lalaki ang muntik nang mapahamak. sa isang video, makikita ang isang lalaki na busy sa kanyang wini-welding.

Dahil sa abala, hindi na niya napansin ang kasamahan sa trabaho na dahang-dahang lumitaw sa kanyang likuran habang may hawak na pala.

Nang makakuha ng tyempo, bigla na lamang inihampas ng lalaki ang hawak na pala sa semento dahilan para lumikha ito ng malakas na ingay na ikinagulat ng husto ng lalaking nagwe-welding.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito, naihagis nito ang hawak na pang-welding at bahagyang natumba.

Hindi maikakailang delikado ang ginawa ng lalaking nang-trip lalo na kung tinamaan ang kanyang kasamahan.

Normal lamang na magkaroon ng konting biruan sa trabaho ngunit sana ay hindi hahantong sa muntikan o kaya naman ay disgrasya.

Ilang netizens naman ang 'di maiwasang mainis sa prank na ito.

Netizen: “Hindi naisip na sa ginawa niya, pwede ikapahamak ng taong nagtatrabaho ng maayos. Kamote siya!.”

Netizen: “The guy with the shovel needs to get hit on the head with the same shovel. What the guy did was really dangerous for the welder.”

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Pinoy strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Tony Labrusca, bumulagta sa sahig matapos masuntok ng isang guwardiya sa mall

Tony Labrusca, bumulagta sa sahig matapos masuntok ng isang guwardiya sa mall

Tony Labrusca, bumulagta sa sahig matapos masuntok ng isang guwardiya sa mall
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel