Ultimate sissum! Toni Gonzaga grabe ang suporta sa kapatid na si Alex Gonzaga

Ultimate sissum! Toni Gonzaga grabe ang suporta sa kapatid na si Alex Gonzaga

- Hindi lang Ultimate Multimedia Superstar o Ultimate Leading Lady si Toni Gonzaga kung hindi Ultimate sissum din na ate kay Alex Gonzaga siya

- Sa bagong pelikula ng nakakabatang kapatid na 'Nakalimutan Kong Kalimutan Ka' ay todo ang suporta na ibinigay niya sa 'Sissum' niyang actress-TV host- vlogger

- Bukod sa pagdalo sa premiere night ng kapatid ay nagbahagi pa siya ng review tungkol sa pelikula sa Instagram account niya at isang nakakatunaw ng puso na mensahe kay Alex

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naispatan ng KAMI ang trending IG post ni Celestine Gonzaga-Soriano o mas kilala sa showbiz bilang si Toni Gonzaga.

Shinare niya ang poster ng bagong pelikula ng kanyang kapatid na si Alex Gonzaga, at nagsulat ng nakakatouch na mensahe dala ng pagsuporta sa kanyang sissum, at sa kaibigan nitong si Fifth Solomon na siyang nagsulat at nagdirek ng pelikula, at ang buong cast, staff, at crew ng movie.

Ani ni Toni sa kanyang caption:

"Ang sakit sakit pala talaga. Nakalimutan ko na ano feeling. Pinaalala sakin ng movie. Pero pag tapos na ang lahat. Ma rerealize mo kung sino ang totoong nagmamahal sayo. Please watch the film para makita nyo kung gano kagaling si @iamjnapoles! Grabe lahat ng scenes mo! Kundi kami mamatay kakatawa, sobra naman iyak namin! (emojis) @vinabrenica kinikilig ako when you look at Alex. Kaya lang nagalit ako sayo kasi sobra mo sya sinaktan. (emoji) @fifthsolomon Ilan beses ka kaya nasaktan bakit mo nasulat to, ramdam na ramdam kita buong film. (emojis)"

Sa huling bahagi ng caption ng Certified Box Office Queen, saad niya para sa kapatid:

"@cathygonzaga I’m so proud of you! Awang awa nako sayo.. tapos na movie gusto ko pang umiyak kasi sana hindi mo na uli daanan yon. You gave your heart in this film. I will always be your number one supporter! (emojis)"

At sa huli ay pinasalamatan ng Romantic-Comedy Queen ang producer ng pelikula.

"@wilbrosfilms Thank you for producing this project. It was a painful but such a beautiful journey."

Sa pagtatapos ay inimbitahan niya ang 4.6 million followers nya at ang ibang netizens na panoorin ang pelikula ng showing na ngayon

Wala ng ibang nasabi pa si Alex Gonzaga kung hindi:

"Ate....this is all I need...Thank you!!! Love you Toni Gonzaga!!!"

Bumuhos din naman ang mga komento ng mga netizens at fans sa nakaka heartwarming na post ng ate Toni ni Alex.

"Sobrang supportive ni ate. (emoji) sana all"
"Just Reading this got me teary eyes"
"The ate I wish I had(emojis) ate @celestinegonzaga napaka supportive mo po(emoji) ate @cathygonzaga napaka swerte mo po talaga(emojis) papanuorin ko po ito mag isa"
"Teary-eyed while reading this post"
"Role model ka ng mga siblings Ang buti mong ate hope my children will become like you the way you and Alex love support and respect each other .salute to your mom and dad..."
"Such a proud ate. Will sure watch this on weekend."
"Ahw very supportive ate indeed @celestinegonzaga I'm soo excited to watch this film soo proud of you Alex "
"Awww..sweet ate"

Take it from the Box Office Queen herself, Toni Gonzaga! na marami na ring mga blokbuster films na ginawa.

But more than anything else, napakasweet naman talaga na ate si Toni.

Talaga namang certified ultimate sissum!

Si Toni Gonzaga ay kinilala bilang Ultimate Multimedia Star, at ngayon, ay tinatawag na rin na Ultimate Multimedia Superstar dahil na rin sa maraming awards na natanggap sa lahat ng aspeto ng media mapa acting, concert, dancing, endorsements, fashion, hosting, at singing.

Nakakabatang kapatid niya ang kinikilala ngayon na Vlog Superstar na si Alex Gonzaga.

POPULAR: Read more news about Toni Gonzaga here.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
NBA star Lamar Odom to represent Philippines in Dubai tournament

NBA star Lamar Odom to represent Philippines in Dubai tournament

NBA star Lamar Odom to represent Philippines in Dubai tournament
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel