Sawi man sa pag-ibig, naging mas pursigido naman para sa 4 na anak

Sawi man sa pag-ibig, naging mas pursigido naman para sa 4 na anak

-Nagkaroon ng 3 anak sa unang asawa bago nabyuda si Flor dito, matapos nito ay nagkaroon ulit siya ng kinakasama at nagkaroon ng 1 anak ngunit nahiwalay din

-Pagkatapos ng ilang taon, nagkaroon ng bagong pag-ibig ngunit kinailangang lumayo para sa kinabukasan

-Ngayon, mas maayos na ang buhay niya sa ibang bansa ngunit nananatiling sawi sa pag-ibig si Flor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Buntis sa ikatlong anak si Flor nang magkaroon ng matinding sakit ang kanyang asawa, na-diagnose ito ng bone cancer. Matapos ang ilang buwan, pumanaw na ang kanyang asawa at naiwan sa kanya ang 3 anak.

Kahit pa hirap at nangungulila, nagpakatatag si Flor para sa 3 anak. Nagawa niyang mangalakal para may ipangkain, at nang magkaroon ng pagkakataon ay nagtinda siya.

Nakakaraos at hindi nagugutom ang kanyang mga anak, bilang isang ina na mag-isang hinarap ang buhay maayos na sila.

Hanggang sa isang pag-ibig ang muling kumatok sa kanyang pinto, nagkaroon siya ng textmate sa loob ng 2 tao. Okay naman daw sila hanggang sa napagkasunduan na nilang magsama.

Nagkarron sila ng isang supling ngunit hindi rin nagtagal ay nakipaghiwalay na siya dito dahil sa hindi pa umano nito kaya ang magpamilya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napagpasyahan niyang umuwi muna sa kanyang mga magulang at ipinagpatuloy muli ang pagtitinda. Ngunit, nagkaroon ng bagong pagsubok si Flor, nagkasakit ang kanyang bunsong anak.

Mabuti na lamang at naagapan ang ito at naging maayos naman sila. Ngunit nawalan na siya ng pangpuhunan sa kanyang tindahan dahil dito.

Dahil sa hirap, nagawa niyang mamasukian at mag-alaga ng matanda. Ngunit palaging nagkakasakit ang kanyang panganay na anak noong panahong iyon kaya naman napagpasyahan niyang tumigil at bumalik sa pagtitinda.

Hanggang sa nagkaroon siya ng isang suki, naging okay sila at nagkaroon ng pagkakaintindihan. Ngunit kinailangan niyang umalis sa bansa at subukin ang pagiging OFW. Hiniling niya dito kung maaari siya nitong hintayin.

Ngunit makaraan lamang ang dalawang buwan, nalaman niya mula sa kanyang kapatid na may kinakasama na raw ang lalaki sa Pilipinas.

Dahil sa pagkabigo na naman sa pagibig, nagpasya si Flor na i-focus na lamang ang isip sa mga anak at pamilya na hindi siya magagawang biguin.

Sa ngayon ay nasa Saudi pa rin si Flor at malapit ng umuwi para makasa ang mga anak na naging inspirasyon niya para magpakatatag sa buhay.

Ipinagpapasalamat niya na sa kabila ng mga pagsubok sa buhay ay marami siyang natutunan para mas magsikap. Ayon kay Flor, hindi dapat sumuko ang isang tao dahil lamang sa bagyo ngayon dahil may pangako ang bukas para sa mas maaliwalas na buhay.

Sawi man sa pag-ibig, naging mas pursigido naman para sa 4 na anak

Photo source: Flordeliza Latayan Hernandez
Source: UGC

Sawi man sa pag-ibig, naging mas pursigido naman para sa 4 na anak

Photo source: Flordeliza latayan hernandez
Source: UGC

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Pinoy strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Deadma na? OFW, matapos tulungan ang kadugo, 'di na daw siya kilala

Deadma na? OFW, matapos tulungan ang kadugo, 'di na daw siya kilala

Deadma na? OFW, matapos tulungan ang kadugo, 'di na daw siya kilala
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel