Agta leader ng nasalanta ng 'Ompong', naglakad ng anim na oras upang humingi ng tulong

Agta leader ng nasalanta ng 'Ompong', naglakad ng anim na oras upang humingi ng tulong

- Naglakad patungong bayan sa Cagayan ang Agta leader na si Marlon Rosalem

- Hindi pa umano nakararating ang relief goods sa kanilang lugar sa Baggao na mismong sentro ng hagupit ng bagyong Ompong

- Ginawa niya ito dahil sa labis na pag-aalala sa mga kasam na nakita niyang nilalamig at gutom na gutom na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang Agta leader ang matiyagang naglakad mula sa Sitio Malisi hanggang sa makarating ito sa munisipyo ng Baggao sa Cagayan.

Ginawa raw ito ng lider ng isang tribu na nakilalang si Marlon Rosalem dahil di pa umano nakakarating ang mga relief goods sa kanilang lugar na lubhang nasalanta rin ng bagyong Ompong.

Ayon sa rappler, inabot ng 6 na oras ang paglalakad ni Marlon na nagsimula ng 4am ng Setyembre 17 at nakarating sa munisipyo sa Barangay San Jose bandang 10:30 am.

Nalaman ng KAMI na ginawa lamang daw ito ni Marlon sa labis na pag-aalala sa kanyang tribu na nakikita niyang gutom na at nilalamig pa.

Agta leader ng nasalanta ng 'Ompong', naglakad ng anim na oras upang humingi ng tulong

Pagdating sa social welfare desk sa munisipyo, agad na dinulog ni Marlon ang kanyang hinaing.

“Kanyak laeng nga nangkita met ti Sitio Malisi...iti nakitak laeng kut ti u-ubbing mabisbisin ken malamlammin la unay ngamin. Adda met makuna a balay mi, [ngem nadadael] met [gapu ken jay] bagyo syempre ket lamiis latta met ti marikna,” paliwanag ni Marlon.

("Sa nakita ko sa Sitio Malisi, gutom na talaga at nilalamig pa ang mga bata. May bahay kami doon pero nasira na ng bagyo.malamig talaga roon")

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Wala na raw talagang makain sa kanilang lugar. Katunayan, Setyembre 16 pa noong siya ay huling kumain.

Samantala, sinabi naman ng lokal na pamahalaan ng kanilang lugar na hinahanda na ang mga relief goods na dadalhin sa lugar nina Marlon.

Sa kabila ng mga ganapang ito, laking pasalamat parin daw ni Marlon dahil sa ligtas sila at naniniwala siyang prinotektahan sila ng Panginoon.

Bagaman at nasira ang kanilang mga tahanan, wala namang naitalang namatay dala ng bagyo sa kanilang lugar.

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
The historic Balangiga Bells are back home in PH at last

The historic Balangiga Bells are back home in PH at last

The historic Balangiga Bells are back home in PH at last
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel