Daniel Matsunaga binweltahan ang CHED pagkatapos ng doctorate degree fiasco

Daniel Matsunaga binweltahan ang CHED pagkatapos ng doctorate degree fiasco

- Inamin ni Daniel Matsunaga na naapektuhan ang kanyang pamilya dahil sa isyu tungkol sa di pag recognize ng CHED ng natanggap na honorary degree

- Ayon sa aktor, "I'm just a recipient of the award"

- Pinaliwanag din ni Daniel na hindi niya alam kung ano ang naging batayan ng nasabing institusyon para siya ay gawaran ng ganung award

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagsalita na sa wakas si Daniel Matsunaga tungkol sa isyu ng kanyang honorary doctorate degree na sinabing CHED na di nila nirerecognize, na naiulat din sa KAMI.

Nalaman ng KAMI na itong award na natanggap ni Daniel ay ang Doctorate Degree in Humanities, Major in Social Work.

Ang nagbigay sa kanya ay ang Brethren Evangelical School of Theology (BEST), na nakabase sa Nueva Ecija.

Sa report ng Push, sinabi ng aktor na, "Siyempre nalungkot kami, with all the hating and bashing towards me and my family. One thing I have to say is I'm just a recipient of the award."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"I don't know what are the criteria or anything, but I've been helping in my own ways ...from the bottom of my heart all those charities from different cities in the Philippines. I do it not to tell the public, not to tell everyone ...but unfortunately those bashing happen."

"I’m sure, they went to my background, they checked and there was a reason for me receiving the award," paliwanag ni Daniel.

Paliwanag ng founder ng nasabing paaralan na si Bishop Ariel P. Coleto, "Hindi namin ito iginawad bilang course sa kanya. Ito ay award o pagkilala sa kanyang contribution sa kung ano man ang kanyang activities o community services na nagawa."

Si Daniel Matsunaga ay ang ex-boyfriend ni Erich Gonzales. Ngayon, siya'y may relasyon sa isang Polish model na si Karolina Pisarek.

POPULAR: Read more about Daniel Matsunaga

Tricky Questions: can you guess who the people on this new 1000 peso bill are? on Kami YouTube channel This video shows that there are only a few people in the country who know exactly who the persons are in our own peso bills.

Source: Kami.com.ph

Related news
Richard Gutierrez, pinigilang maiyak sa sulat ng anak na si Zion para sa kanya

Richard Gutierrez, pinigilang maiyak sa sulat ng anak na si Zion para sa kanya

Richard Gutierrez, pinigilang maiyak sa sulat ng anak na si Zion para sa kanya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel