UST at MAPUA ginimbal ng bomb threats sa dalawang magkasunod na araw

UST at MAPUA ginimbal ng bomb threats sa dalawang magkasunod na araw

- Napauwi ng wala sa oras ang mga estudyante ng MAPUA University sa Intramuros kahapon, Setyembre 18 dahil sa umano'y bomb threat

- Ngayong umaga Setyembre 19, ginimbal naman ang UST ng bomb scare

- New People's Army daw ang tinuturong nagbigay banta ng pagsabog sa parehong unibersidad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagsuspende ng klase ang MAPUA University sa Intramuros kahapon dahil sa banta ng pagpapasabog dito sa petsang 18-9-18.

Ayon sa panayam ng Manila Bulletin sa isang estudyante ng MAPUA, nagsagawa raw ng Earthquake drill ang paaralan. Matapos nito ay ay kumalat ang text message sa paaralan na nagsasabing may nagtanim ng pasabog ang dalawang estudyante na miyembro ng New People's Army habang isinasagawa ang drill.

“May planong pagsabog na magaganap tayong 18-9-18 sa mapua manila ang New Peoples Army. Tinanim ang mga pinagaaral nilang studyante ang dalawang explosive matapos ang isinagawang drill kaninang umaga. Nakatakdang sumabog ito ngayong alas singko ng hapon. Mag ingat at maging alerto. Ipasa sa mga kaibigan at mahal sa buhay. MABUHAY ANG NEW PEOPLES ARMY!,” ang mismong text message na pinadala sa mga estudyante sa MAPUA.

Dahil dito, agad na nagsuspinde ng klase ang buong unibersidad. Agad ding pinagbigay sa pulisya ang kumakalat na text message. Nang suriin ang lahat ng sulok ng paaralan, false alarm lamang daw ang bali-balita dahil walang anumang explosives ang natagpuan sa paaralan.

Samantala, isang araw matapos magimbal ang MAPUA, nabiktima rin ng bomb scare ang University of Sto. Tomas.

Tulad nang naganap sa Mapua kahapon, nakatanggap naman ang mga mag-aaral ng UST ng bomb scare sa pamamagitan din daw ng text message.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa text, dahil daw sa hindi natuloy ang pagpapasabog sa MAPUA kahapon, UST naman daw ang pinili nilang puntiryahin. Tulad ng text na kumalat sa Mapua, New People's Army ang tinuturong nagbabanta sa parehong paaralan.

Sa huling update ng Manila Bulletin, nagsagawa agad ang Manila Police District Explosives and Ordinance Division operatives ng insppeksyon sa UST upang masiguro kung mayroon nga bang explosives sa Unibersidad.

Gayunpaman, mariing pinag-iingat pa rin ang mga mag-aaral sa nasabing unibersidad at maging ang nasa ibang paaralan na maari ding maging puntirya ng bomb threat.

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid

"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid

"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel