350,000 estudyante, posible umanong mawalan ng scholarships sa 2019 ayon sa CHED

350,000 estudyante, posible umanong mawalan ng scholarships sa 2019 ayon sa CHED

-Posible umanong mawalan ng scholarships ang 350,000 scholars sa bansa sa 2019 dahil sa pagtapyas ng budget para sa budget dito ng Department of Budget and Management

-Ayon sa report mula sa P4.97 billion nitong taon ay magiging P1.70 billion na lamang sa susunod na taon

-Ayon sa CHED, pinaka-apektado ang 'Tulong Dunong Program'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Posible umanong mawalan ng scholarships ang 350,000 na scholars sa bansa. Ito ay dahil sa pagtapyas ng budget, para sa mga programang tumutulong sa ilang estudyante, ng Department of Budget and Management (DBM).

Ayon kay Commissioner Prospero de Vera III ng Commission on Higher Education, mula sa P4.97 billion ngayong taon ay bababa ang budget para sa mga tinutulungang estudyante ng ahensya sa P1.70 billion sa susunod na taon.

Pinaka-apektado ang 'Tulong Dunong Program' na mula sa P4.19 billion ay bababa sa P1.19 billion.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“More or less, the number of students affected is 350,000. That (reduction) is okay as far as [scholars from] public universities is concerned [because of the Free College Education law], but as for those enrolled in private universities, then there is no more subsidy going to them,” ayon kay De Vera.

Ayon sa report ng GMA News, dahil dito sinabi ng CHED na maaari namang umasa sa tulong ng Tertiary Education System (TES) program na mayroong P16 billion budget, ngunit hindi lahat ng nasa programa ng 'Tulong Dunong' ay maaaring matulungan ng TES dahil 300,000 slots lamang ang inialok nito.

“A lot of students will fight for their slot in such situation. Remember, the beneficiaries of Tulong Dunong may not be under the poorest [segment] unlike those under CCT, but many of them are in a situation wherein their only shot at having college education is being under the scholarship,” dagdag nito.

Dahil dito, apektado at posibleng mawalan ng scholarships ang mga anak ng mga sumukong rebelde at magsasaka.

Narito naman ang report mula sa News5.

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Pinoy strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakabahala! Trip lang ba? Away na beki vs gangster sa kalsada

Nakakabahala! Trip lang ba? Away na beki vs gangster sa kalsada

Nakakabahala! Trip lang ba? Away na beki vs gangster sa kalsada
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel