Short hair, don't care! 12 Beautiful Superstar Pinays na dalang-dala ang short hair style

Short hair, don't care! 12 Beautiful Superstar Pinays na dalang-dala ang short hair style

Nakasanayan na nating mga Pinoy na ang mga Filipinas ay mayroong mga mahahaba, makintab, malambot, tuwid at maitim na mga buhok pero habang tumatagal at nagiging moderno na ang ating mundo ay marami na ring mga cool at trendy hairstyles na naglalabasan.

Mayroon ng iba't-ibang uri ng kulay ng mga buhok at mga styles sa pagcut ng buhok, at dahil pinag-uusapan na natin ang tungkol sa haircut, marami na ring mga Pinay ang nagpapagupit ng kanilang mahabang buhok.

Narito ang 12 Pinay celebrities na "short hair, don't care!" ang peg sa pagpapagupit ng kanilang buhok, na una naming naispatan sa GMA News Online.

Ngayon, ating tingnan dito sa KAMI ang mga nagagandahang mga Filipina stars na walang kiyeme sa pagpapagupit ng kanilang mahabang buhok pero winner pa rin ang kanilang mga looks!

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

1. Lea Salonga

Isa lang yata si Lea Salonga na kahit anong haircut ay bagay na bagay talaga sa kanya dahil likas ang kagandahan ng World Class Performer.

Smart, classy, and beautiful!

Fans comments:

"Still shining, shimmering, and splendid. Still looking fabulous, Ms. Lea."

"This hair cut looks fabulous on you! The new look looks so good"

"you look stunning @msleasalonga and confidently beautiful with a heart."

"Extremly exceptional gorgeous looking woman"

2. Kris Aquino

Ang short bob haircut ay talaga namang nagpapabata sa Queen of All Media na si Kris Aquino.

Talaga namang bagay na bagay sa bubbly at engaging na Hollywood star na rin na maituturing si Princess Intan ng blockbuster film Crazy Rich Asians.

3. Judy Ann Sanots

Hindi din nagpapatalbog sa "short hair, don't care!" peg ang Queen of Pinoy Soap Opera na talaga namang waging-wagi ang look at beauty sa short haircut niya.

4. Toni Gonzaga

Mapa long o short hair man winner pa rin ang beauty ng Ultimate Multimedia Superstar dahil ang kanyang kagandahan ay tunay na nanggagaling sa kanyang kaibuturan ng kanyang puso, isip, at gawa.

Kaya hindi na nakakapagtaka na lutang na lutang pa rin ang ganda ng nag-iisang Romantic-Comedy Queen, at ang Queen of all talents na siguro.

5. Angelica Panganiban

Isa lang naman ang irreplaceable na aktres, sa katatawanan o dramahan, na si Angelica Panganiban na kahit anong haircut ang kering keri niya dahil gaya ng pangalan niya, ang mukha nya ay mala-anghel sa kagandahan.

6. Angel Locsin

Waging-wagi din naman ang Multi-Awarded Action-Drama Actress na si Angel Locsin sa short hair style.

7. Anne Curtis

Sa angking ganda at likas na fashionista, walang look na hindi babagay sa Annekulit "Dyosa at Concert-Sweetheart" na si Anne Curtis.

8. Kathryn Bernardo

Kung mapapabilang ka nga naman sa listahan ng Most Beautiful Women sa buong mundo ay talaga namang kahit anong klaseng short hair pa yan, mapa blonde at pa curl pa ng konti yan ay kering keri lang gaya ng new Blockbuster Queen at Queen of Hearts na si Kathryn Bernardo.

9. Bea Alonzo

Ang isa pang Blockbuster Queen at the best sa aktingan na si Bea Alonzo ay looking pretty at fab sa bagong black short hair.

10. Liza Soberano

At kailangan pa bang i-memorize yan! kung ang mukha mo ay perpekto kamukha ng Most Beautiful Woman in the World na si Liza Soberano, kahit anong style pa ng buhok, short hair with matching curly na gulo gulo ay k na k lang dahil sobrang pretty naman talaga this girl.

Mapapalipad ka na lang sa kagandahan ni Darna!

11. Marian Rivera

At heto pa ng isang walang ka kupas kupas ang ganda, kahit magkagulo-gulo na ang buhok ay winner pa rin ang mestiza beauty ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

12. Vilma Santos

Ang huli pero hindind hindi huli sa kagandahan, kasikatan, kagalingan, at awards, ang Star for All Seasons na si Vilma Santos o kilala rin sa pangalan na Ate Vi.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinay nurse, 1 sa mga nag-alaga at napalapit kay dating US Pres. George H.W. Bush

Pinay nurse, 1 sa mga nag-alaga at napalapit kay dating US Pres. George H.W. Bush

Pinay nurse, 1 sa mga nag-alaga at napalapit kay dating US Pres. George H.W. Bush
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel