Pilipinas, posibleng mapabilang sa mga bansang may upper-middle income sa 2019

Pilipinas, posibleng mapabilang sa mga bansang may upper-middle income sa 2019

- Maaaring mapasama ang Pilipinas sa mga upper-middle income na bansa sa sususnod na taon

- Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, 4.4% na lang ang kulang para umabot ang Pilipinas sa upper-middle income rank

- Kung papalarin ay makakahanay na ng Pilipinas ang mga bansang China, Thailand at Malaysia

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Malaki ang posibilidad na mapabilang ang Pilipinas sa mga bansang may upper-middle income sa 2019. Makakahalay ng Pilipinas ang mga bansang China, Thailand at Malaysia sa rank na ito.

Nalaman ng KAMI na ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, na mas tataas ang income band sa bansa kahit na may kinakaharap na crisis ang ating ekononomiya sa ngayon.

Base naman sa report ng Rappler na ayon sa World Bank, ang mga bansang may upper-middle income ay ‘yung may mga gross national income (GNI) per capita na $3,956 hanggang $12, 235.

Sabi ni Pernia, ang Pilipinas ngayon ay hindi pa umaabot ng $3,900 pero kapag lumaki naman ng 4.4% ang gross domestic product (GDP) ng bansa ay posibleng umabot ng $4,000 ang GNI sa susunod na taon.

Sa ngayon ay kaparehas ng rank ng Pinas ang Vietnam, Sri Lanka at Indonesia.

Ayon naman kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, “We should look at the strengths of the economy,” kahit na kaliwa’t kanan ang problemang kinakaharap ng ating ekonomiya ngayon.

Dagdag niya pa, maganda ang revenue at credit rating ng bansa. At ang budget deficit naman ay nasa loob pa rin ng target. Kaya naman sabi niya, “We get distracted by the cloud, but do not appreciate the rainbow,”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa dating report naman ng KAMI, sinabi ng BSP na maaaring bumaba na ang inflation rate ng Pilipinas sa buwan ng Oktubre. Kaya naman posible na ring tumaas ang halaga ng Philippine peso.

Sa tingin mo ba maaari mong sagutin ang mga ito nang tama? Ang mga indibidwal na mula sa Pilipinas ay may mga sagot! Kung ang isang Worm ay Namatay, Makakaapekto ba Ito Ay Matupok Ni Worm Masyadong? Ang tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali! — on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pres. Duterte approves ‘1,000 Days’ law

Pres. Duterte approves ‘1,000 Days’ law

Pres. Duterte approves ‘1,000 Days’ law
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel