10 na mayors, iimbistigahan matapos mag-absent noong hagupit ni Bagyong Ompong

10 na mayors, iimbistigahan matapos mag-absent noong hagupit ni Bagyong Ompong

- Posibleng makasuhan at masuspinde ang mga mayor na pinabayaan ang kanilang mga tungkulin

- Ayon sa DILG ay halos 10 municipal mayors ang absent noong hagupit ni Bagyong Ompong

- Sa ngayon ay hindi pa sinasabi ang mga pangalan ng mga mayor hangga’t matapos ang imbestigasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naitala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na halos 10 municipal mayors ng Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region ang wala noong hagupit ni Bagyong Ompong.

Nalaman ng KAMI na ayon kay DILD Undersecretary Bernardo Florece Jr. na ang mga local chief executives ang mga responsible tuwing may sakuna sa lugar nila. Kaya naman ang mga ito ay may pananagutan kapag wala sila at kapag pinabayaan nila ang mga tungkulin nila. Ang mga mayor na ito ay posibleng humarap sa administrative cases at masuspende.

Base sa report ng Philippine Star, sabi ni Florence, “We were surprised with the reports received at the central office of absentee mayors whose local government units are part of the critical areas in the Typhoon Ompong track,”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon kasi sa operation list of protocols (Operation Listo) ng DILG, ang mga lugar na under low, medium at high risk ay dapat magsagawa ng mga paghahanda para sa sakuna na hindi naman nagawa ng ibang mayors.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa isinaspubliko ang pangalan ng mga mayor dahil nais muna ng DILG tapusin ang kanilang pag-iimbistiga.

Ayon naman kay DILG spokesperson Jonathan Malaya, ang mga mapapatunayang pinabayaan ang kanilang mga tungkulin ay kailangang magsulat ng explanation at i-justify ang kanilang naging aksyon.

Sa tingin mo ba maaari mong sagutin ang mga ito nang tama? Ang mga indibidwal na mula sa Pilipinas ay may mga sagot! Kung ang isang Worm ay Namatay, Makakaapekto ba Ito Ay Matupok Ni Worm Masyadong? Ang tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali! — on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado

Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado

Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel