Inflation rate sa Pinas, maaaring bumaba sa darating na Oktubre ayon sa BSP

Inflation rate sa Pinas, maaaring bumaba sa darating na Oktubre ayon sa BSP

- Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas ay maaaring bumaba ang inflation sa bansa sa Oktubre

- Ngunit hindi pa nila sigurado kung mas magiging mataas ang inflation rate ngayong Setyembre dahil kay Bagyong Ompong

- Kapag bumaba na raw ang inflation rate ay sure na tataas na rin ang halaga ng peso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos pumatak ng P54.24 kada dolyar noong Lunes at ang 6.4% na inflation rate na naitala noong Agosto ay kampante naman ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bababa na ang inflation rate at babalik na sa dati ang halaga ng Philippine peso sa darating na Oktubre.

Nalaman ng KAMI na ang BSP ay nagsasagawa ng mga monetary actions para sa darating na meeting ng Monetary Board next week upang pag-usapan kung gagawing 25 o 50 ang magiging basis points nila upang malutasan ang problema sa inflation.

Sinigurado naman ni BSP Deputy Governor Diwa C. Guinigundo na ginagawa nila ang lahat lalo na sa mga non-monetary measures. Ngunit, hindi pa nila sigurado kung ang inflation rate ay mas mataas noong Agosto o ngayong Setyembre dahil sa perwisiyong dala ni Bagyong Ompong na nakaapekto sa mga pananim.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“There are more mitigating measures, there’s rice importation and the rice tariffication etc. We would expect that inflation will start coming down in the last quarter of the year and on to the next two years,” sabi ni Guinigundo.

Ayon rin sa kanya na mas tataas ang halaga ng Philippine peso kapag bumaba na ang inflation rate sa susunod na buwan. Aniya, “We base our monetary policy on the dynamics of inflation today, the expectation and then the outlook.”

“This is the holiday season so we would expect that the exchange rate will start shaping up. As you know, for every one percentage increase or depreciation will produce 0.06 percentage point in inflation,” dagdag niya pa.

Sa dating report ng KAMI, ayon sa isang London-based research ay maaaring umabot ng P58 kada dolyar ang palitan sa 2019. Maaari rin daw umabot ng P55 kada palitan sa katapusan ng taon. Ngunit, kampante naman ang gobyerno na babalik din sa dati ang halaga ng peso.

Sa tingin mo ba maaari mong sagutin ang mga ito nang tama? Ang mga indibidwal na mula sa Pilipinas ay may mga sagot! Kung ang isang Worm ay Namatay, Makakaapekto ba Ito Ay Matupok Ni Worm Masyadong? Ang tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali! - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado

Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado

Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel