Mar Roxas, nagbigay ng suggestions kay Pangulong Duterte para malutasan ang crisis sa bigas

Mar Roxas, nagbigay ng suggestions kay Pangulong Duterte para malutasan ang crisis sa bigas

- Sa isang Facebook post ay nagbigay ng suhestiyon si Mar Roxas para kay Pangulong Duterte

- Isinantabi muna ni Roxas ang pagkakaiba nila ni Duterte para masolve ang crisis sa bigas

- Ayon kay Roxas, ‘matinding problema’ ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang dating Interior and Local Government Secretary at presidential candidate ng Liberal Party na si Mar Roxas ay nagbigay ng unsolicited advice kay Pangulong Rodrigo Duterte upang makatulong sa crisis na kinakaharap ng ating bansa ngayon.

Nalaman ng KAMI sa isang Facebook post ni Mar Roxas ang kanyang mga suggestions upang makatulong malutas ang problema sa bigas. Sabi niya “matinding problema” ang P50 kada kilo ng bigass ngayon at sa posibleng pagtaas pa nito dahil sa hagupit ni Bagyong Ompong.

Kaya naman isinantabi niya muna ang pagkakaiba nila ni Pangulong Duterte para sa mas ikakabuti pa ng mga Pilipino. Aniya, “Magkaiba paningin natin sa maraming bagay pero sa tingin ko lahat ng Pilipino gustong malutas ang problemang ito. Kaya time out muna,”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang unang suggestion ni Roxas ay ang pagtaas ng Minimum Access Volume hanggang sa 1.5 million metric tons. Pangalawa naman ay tanggalin ang requirements ng National Food Authority (NFA) upang makapag-import ng bigas mula sa ibang lugar at mga private sector. Panghuli naman ay ang paghingi ng tulong sa mga sikat na fast food chains na mag-import ng sarili nilang mga pangangailangan upang ang supply ng bigas ay maibigay mismo sa publiko at hindi na sila makiagaw pa rito.

Dagdag pa ni Roxas ay dapat isama lahat ng mga magsasaka at pamilya nila sa Conditional Cash Transfer (CCT) program.

Tignan ang buong post ni Mar Roxas dito:

Noong 2016 ay nakalaban ni Mar Roxas si Pangulong Rodrigo Duterte sa presidential elections. At nitong mga nakaraang taon o buwan ay nag hiatus naman si Roxas sa politika at nag focus sa pag-ta-travel.

POPULAR: Read more about President Duterte here!

Sa tingin mo ba maaari mong sagutin ang mga ito nang tama? Ang mga indibidwal na mula sa Pilipinas ay may mga sagot! Kung ang isang Worm ay Namatay, Makakaapekto ba Ito Ay Matupok Ni Worm Masyadong? Ang tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019

Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019

Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel