Estudyanteng nagtitinda ng basahan habang nag-aaral, 'di inaasahan ang nagyari sa kanya sa jeep

Estudyanteng nagtitinda ng basahan habang nag-aaral, 'di inaasahan ang nagyari sa kanya sa jeep

-Isang dalagitang estudyante ang ngayon ay viral na sa socila media matapos siyang makuhanan ng video at picture ng isang netizen

-Ayon sa uploader, itinanong umano ng dalaga kung maaari niyang ipangbayad bilang pamasahe sa jeep ang kanyang tindang basahan

-Hindi naman inaasahan nito na may mabubuting palad pa ang makakatagpo niya sa jeepney na sinakyan kasama na ang driver

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral at umagaw na ng pansin ng mga netizens ang dalagitang laman ng isang facebook post. Bukod kasi sa agaw-pansin na ang mga basahang paninda pala nito na dala papasok sa eskwelahan, itinanong umano nito kung maaari nitong ipambayad ang basahan bilang pamasahe nito.

Dalagang nagtitinda ng basahan habang nag-aaral, 'di inaasahan ang nagyari sa kanya sa jeep

Photo source: TNP Media
Source: Facebook

Dalagang nagtitinda ng basahan habang nag-aaral, 'di inaasahan ang nagyari sa kanya sa jeep

Photo source: TNP Media
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi lamang ang uploader ang naantig sa sitwasyon ng dalaga maging ang ilang pasahero sa jeep.

Ayon sa uploader, nagtanong pa muna ang estudyante kung magkano ang pamasahe, sumagot ang driver ng P8 kasama na ang student discount.

Itinanong nito kung maaaring basahan na lamang ang kanyang ipangbayad at sinabi naman ng driver na pwede daw.

Isang pasahero naman ang nagmagandang loob na bayaran na lamang ang pamasahe ng bata ngunit sinabi ng driver na libre na lamang ito.

Sa halip bumili na lamang ang lalaking nag-alok na bayaran ang kanyang pamasahe, at nang wala umanong maipangsukli ang estudyante ay sinabi nitong itabi na lamang ang sukli.

Dalagang nagtitinda ng basahan habang nag-aaral, 'di inaasahan ang nagyari sa kanya sa jeep

Photo source: TNP Media
Source: Facebook

Dalagang nagtitinda ng basahan habang nag-aaral, 'di inaasahan ang nagyari sa kanya sa jeep

Photo source: TNP Media
Source: Facebook

Samantalang isang pasaherong babae naman ang nagbigay din ng P20 sa estudyante bilang tulong umano nito.

Samantalang ang matandang babae na katabi nito ay binigyan din siya ng P20.

Dalagang nagtitinda ng basahan habang nag-aaral, 'di inaasahan ang nagyari sa kanya sa jeep

Photo source: TNP Media
Source: Facebook

Ayon sa uploader, ninais niyang i-post ang dalagita para umano mamulat ang marami na may mga katulad ng estudyanteng ito na hindi nagpapapigil sa kahirapan upang maipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng pagsubok araw-araw.

Maraming netizens naman ang nagpabatid ng paghanga sa dalagita sa facebook post na ito.

Netizen: " Yan ang dapat pamarisan ng kabataan marangal na hanapbuhay makapag aral lang. Hindi kagaya ng mga kabataan wlang ginawa kundi mag solvent at magnakaw sa kalsada"

Netizen: "Believe ako sa batang ito sakabila ng kahirapan nagsusumikap pa mag-aaral samantalang ang iba diyan binigay na nga ang lahat ng luha sa kanilang mga magulang nagloko pa rin.. Saludo ako sa iyo Ineng may maganda kinabukasan na naghihintay sa iyo "

Netizen: "ito yung masarap tulungan sana nakasakay kita god bless ramdam ko hirap mo."

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Pinoy strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates

Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates

Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel