Philippine peso maaaring umabot ng P58 kada dolyar sa 2019 ayon sa isang research

Philippine peso maaaring umabot ng P58 kada dolyar sa 2019 ayon sa isang research

- Base sa isang London-based research ay posibleng umabot ng P58 kada dolyar sa 2019

- Malaki rin daw ang posibilidad na maging P55 kada palitan sa katapusan ng taon

- Ngunit, confident naman ang gobyerno na babalik din sa dati ang halaga ng peso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Noong Lunes, Setyembre 17 ay inanunsyong P54.28 na ang palitan ng Philippine Peso at US Dollar. Ito ang pinakamahinang naging value ng peso sa loob ng halos 13 taon. Ngunit, posibleng mas humina pa ang peso sa susunod na buwan at taon.

Nalaman ng KAMI na malaki ang posibilidad na umabot pa ng P55 ang palitan sa dollar sa katapusan ng taon. Ayon sa research ng isang London-based na Capital Economics ay maaaring umabot ng P58 ang palitan kada dollar naman sa 2019.

Base sa report ng Philippine Star na ang trade deficit na nangyayari sa bansa ay dahil sa halos P9 trillion na gastusin ng gobyerno sa mga materyales na kailangan para sa mga tinatayong infrastructures kaya naman mas marami ang imports sa ating bansa kaysa sa export.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang mga dollar na pinapadala ng mga overseas Filipino workers (OFW) ang isa sa mga malaking daan upang mas paramihin pa ang dollar sa bansa. Ngunit, ayon sa isang Dutch financial company na ING Groep NV, hindi sapat ang mga remittances upang matakpan ang patuloy na lumalaking trade deficit.

Ang patuloy na pagpababa ng halaga ng peso ay isang factor din sa pagtaas ng inflation rate ng bansa. Ito rin ay naguudyok nang patuloy na pagtaas ng presyo sa mga imported goods.

Ayon naman sa Palasyo ay naniniwala silang babalik muli ang mataas na halaga ng peso katulad noon.

Sa tingin mo ba maaari mong sagutin ang mga ito nang tama? Ang mga indibidwal na mula sa Pilipinas ay may mga sagot! Kung ang isang Worm ay Namatay, Makakaapekto ba Ito Ay Matupok Ni Worm Masyadong? Ang tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado

Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado

Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel