Dati palang kasambahay, negosyanteng ito na kumikita ng milyon kada buwan ngayon

Dati palang kasambahay, negosyanteng ito na kumikita ng milyon kada buwan ngayon

-Dati palang kasambahay si Dina Dela Paz-Stalder sa Londo bago naging matagumpay na negosyante ngayon

-Ayon sa kanyang kwento, hirap sila sa buhay kaya naman nahirapan siyang makapagtapos ng pag-aaral

-Nauna nang naitampok ang kanyang istorya sa programa ng ABS-CBN na 'My puhunan'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tubong San Pablo, Laguna si Dina Dela Paz-Stalder na dati umanong domestic helper sa London, at ngayon ay isa nang matagumpay na negosyante.

Ayon sa kwento ni Dina, nahirapan umano siyang makapagtapos ng pag-aaral dahil sa problemang pinansyal.

“Walang baon, minsan walang shoes. Pero maganda din ang kinalabasan kasi out of that, doon ako naging inspirado na magtapos.” kwento nito.

Dahil na rin sa pagpupursige, nakapagtapos si Dina sa college sa kursong medical technology. pero hindi niya agad ginamit ang kanyang natutunan bagkus ay piniling makipagsapalaran sa ibang bansa.

Naging domestic helper si Dina sa Londo at habang nagta-trabaho ay isinabay niya ang pag-aaral ng facial skin care procedures.

Taong 1986, bumalik si Dina sa Pilipinas para magsimula ng negosyo ngunit wala pa daw siyang puhunan noon. Ngunit hindi ito naging hadlang para abutin niya ang kanyang pangarap.

Noong nagsimula daw siya ay umaasa lamang siya sa mga kaibigang doktor na siyang nagsu-supply sa kanya ng ilang produkto na pampaganda para ibenta.

“’Yun ang dapat gawing inspirasyon ng mga kasambahay na kagaya ko before kasi hindi habang panahon kasambahay ka,”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakitaan umano ni Dina ng potensyal ang cosmetic business kaya naman ginawa niya ang makakaya para umunlad dito.

Sa ngayon ay nagmamay-ari na si Dina ng isang cosmetic and soap laboratory sa bansa.

“Siguro ito ‘yung trabaho na minahal ko at isina-puso ko. This is the kind of business or job that I really want.”

Pinapamahalaan niya ang Stalder Laboratories na nasa Laguna na itinayo taong 1999 at ngayo'y kitang 20 hanggang 30 milyong piso kada buwan. Ang kompayang ito ay isa sa mga malalaking kompanyang gumagawa ng mga skin care products sa bansa.

Dati palang kasambahay ang businesswoman na ito na kumikita ng milyon kada buwan ngayon

Photo source: ABS-CBN
Source: Facebook

Bukod sa paggawa ng 25,000 papaya soaps kada araw, gumagawa din sila n shampoo, hand sanitizer, lotion at iba pang mga klase ng beauty products.

Bukod pa dito, nagtayo na rin ng facial and skin care clinic si Dina, ang Diana Stadler na may mga branches sa Metro Manila, Luzon provinces at Visayas.

Naitampok na rin ang istorya ni Dina sa programa ng ABS-CBN na 'My puhunan'.

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Pinoy strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakaiyak! Heartbreaking love story, viral sa social media

Nakakaiyak! Heartbreaking love story, viral sa social media

Nakakaiyak! Heartbreaking love story, viral sa social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel