Senador Trillanes, ipinakita ang CCTV footage ng kotseng nagmamasid sa kanyang bahay

Senador Trillanes, ipinakita ang CCTV footage ng kotseng nagmamasid sa kanyang bahay

- Naglabas ng CCTV videos si Senador Trillanes na may kotse raw na nagmamasid sa labas ng bahay nila

- Aniya, hindi lang daw ito basta bastang harassment at mukhang may balak pa manloob ang mga ito

- Sagot naman ng Palasyo ay “paranoia” lang daw ito ng senador

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isinapubliko ni Senador Antonio Trillanes ang CCTV video sa kanyang bahay na may sasakyang diumano na nagmamanman sa labas nila.

Nalaman ng KAMI na sa isang press conference ay sinabi ni Senador Trillanes na hindi lang ito basta “harassment”, sabi niya pa na mukhang may balak pumasok ang mga ito sa loob ng bahay nila.

“Hindi ito basta-bastang harassment lang, pananakot kasi they were not meant to be seen, kaso nabisto lang kaya ganun,” sabi ni Trillanes ayon sa report ng GMA News.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dagdag pa ng senador ay hindi raw nagbigay ng I.D. o lisensiya sa gate ng kanilang subdivision ang driver ng pinagsususpetyahang sasakyan. Ngunit, noong ito ay bumalik at nakita na siya ng guwardiya, bigla raw kumaripas nang takbo nang ito’y tanungin na.

Kaya naman sabi ni Trillanes, “Apparently itong sasakyan na ito very suspicious yung kanyang behavior." Hanggang sa ngayon ay inaalam pa ng kampo ni Trillanes kung sino ang driver at kung kanina nakapangalan ang kotseng ginamit.

Sagot naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay, “First it’s drama. And now it appears to be paranoia,”

Sa dating report ng KAMI ay sinabi ni Senador Trillanes na may lalaking naka-motor daw ang sumusunod sa kanyang sasakyan nang lumabas ito sandali sa Senate building para magpakarga ng gas. Kaya naman hindi na tinuloy ng senador ang paglabas ng Senado.

POPULAR: Read more about Senator Trillanes here!

Sa tingin mo ba maaari mong sagutin ang mga ito nang tama? Ang mga indibidwal na mula sa Pilipinas ay may mga sagot! Kung ang isang Worm ay Namatay, Makakaapekto ba Ito Ay Matupok Ni Worm Masyadong? Ang tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakagulantang! 5 rason kung bakit diumano iniwan ni Regine Velasquez ang GMA at lumipat sa ABS-CBN

Nakakagulantang! 5 rason kung bakit diumano iniwan ni Regine Velasquez ang GMA at lumipat sa ABS-CBN

Nakakagulantang! 5 rason kung bakit diumano iniwan ni Regine Velasquez ang GMA at lumipat sa ABS-CBN
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel