Kinabog si Vice Ganda! 'The Hows Of Us' ng KathNiel tumabo ng 600M

Kinabog si Vice Ganda! 'The Hows Of Us' ng KathNiel tumabo ng 600M

- Nagbubunyi ang mga KathNiel faney dahil ang pelikula ng kanilang paboritong reel at real love team na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay tumabo ng husto sa takilya

- Gumawa nga ng bagong kasaysaysan sa pinilikang tabing sa showbiz ang The Hows of Us dahil kumuha lang naman ito ng 600-million mark domestic box office

- Ang kauna-unahang pelikula na prinoduced ng isang production sa bansa na nakakuha ng ganito kalaking marka, kinabog si Vice Ganda sa box office

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Masayang masaya nga ngayon ang Star Cinema at ABS-CBN lalong lalo na ang mga fans at sumusuporta sa blockbuster na tambalan ng KathNiel na binubuo nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil sa umaapaw na tagumpay na nakuha ng pelikula.

Sa balita ng ABS-CBN News, noong Lunes, September 17, 2018, as of 5 p.m., ay tumabo sa takilya ang 'The Hows Of Us' ng P601,152,867.12 sa local pa lang ito, ayon sa producer ng pelikula, ang Star Cinema.

Napag-alaman pa ng KAMI na 20 days pa lang nang simulang pinalabas ang pelikula noong August 29, 2018 ay ganito na kalaki ang hinakot nito sa takilya.

Ibig sabihin na kinabog ang Unkabogable status ni Vice Ganda sa box office.

Ang 'Gandarrapiddo: The Revenger Squad' ni Vice na pinalabas noong 2017 ay itinanghal na highest grossing Filipino film of all time na humakot ng P571-million sa takilya.

Impressive naman talaga ang kita ng pelikula dahil hindi ito kasali sa Metro Manila Film Festival, kung saan mas marami ang nanunuod dahil Christmas season ito at isa ng tradisyon ng madlang people ang manood.

Tinaob ng pelikula sa local na kita sa takilya ang 598 million box office hit ng The Super Parental Guardians noong 2016.

Hindi pa ito pinapalabas sa abroad, kung magkaganun, ay baka lalagpas pa ang pelikula ng P700-million mark?!

Well, abangan na lang natin, ang susunod na kabanta ng tagumpay ng KathNiel.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Richard Gutierrez, pinigilang maiyak sa sulat ng anak na si Zion para sa kanya

Richard Gutierrez, pinigilang maiyak sa sulat ng anak na si Zion para sa kanya

Richard Gutierrez, pinigilang maiyak sa sulat ng anak na si Zion para sa kanya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel