Lalaki, gumastos ng 2.3 milyon sa pagtaya ng lotto

Lalaki, gumastos ng 2.3 milyon sa pagtaya ng lotto

- Binahagi ng isang lalaki sa Misamis Oriental na umabot na pala ng 2.3 million ang nagastos niya sa pagtaya sa lotto

- 17 taon nang tumataya si sa lotto at di niya namamalayang umabot na sa million ng kanyang nagastos

- Inipon din niya ang lahat ng tiket na tinayaan niya sa loob ng 17 taon na nagmistulang mga coupon sa raffle sa dami

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natagpuan sa Jasaan, Misamis, Oriental ang lalaking masugid na tumataya sa lotto sa loob ng 17 taon.

Nalaman ng KAMI na bukod sa pag-iipon niya ng mga tiket na tinayaan niya sa loob ng halos dalawang dekada, di na niya namalayan na umabot na pala sa 2.3 milyon ang kanyang nagastos.

Kwento ni Churchhill Corbita, bata pa lamang daw siya nang nauutusan na siyang tumaya sa lotto ng kanyang ina.Bukod dito, nahilig din siya sa sabong noong siya ay nagkatrabaho. Kaya naman bukod sa 2.3 million na nagastos niya sa lotto, malaki rin ang nailabas niya sa bisyong pagsasabong.

September 03, 2001 pa na unang taya niya sa lotto. Mula noon wala nang humpay ang kanyang pagtaya sa Swer3 na uri ng lottery kung saan tatlong numero lamang ang kanyang tinatayaan.

Isa ring patunay ng tagal ng pagtaya niya sa lotto ay ang mga tiket na inipon niya mula pa noong 2001 na kalagay sa center table ng kanilang sala set.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naturing din niyang swerte siya sa pag-ibig nang mapangasawa niya si Jonalyn na bagaman at sa umpisa ay di niya alam ang tungkol sa bisyo ng asawa, natutunan na lang niyang tanggapin na ito na ang gawain ng mister. Kalaunan ay siya rin naman ang humahawak n sahod ng mister upang masiguroang budget nila para sa gastusin sa bahay bago gumastos sa pagtaya sa lotto.

Aminado rin si Jonalyn na maging siya ay naimpluwensiyahan ng mister sa pagtaya sa lotto. Inisip na lang din kasi ni Jonalyn na sa halip na ibang bisyo ang gawin ng asawa gaya ng pag-iinom ng alak o paninigarilyo.

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Mag-iingat! Ilang motorista, nabiktima ng mga nanlilimos na namamato ng asido

Mag-iingat! Ilang motorista, nabiktima ng mga nanlilimos na namamato ng asido

Mag-iingat! Ilang motorista, nabiktima ng mga nanlilimos na namamato ng asido
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel