Trillanes, binigyang 10 days para magkomento sa kasong hinain ni Paolo Duterte

Trillanes, binigyang 10 days para magkomento sa kasong hinain ni Paolo Duterte

- Nagsampa ng libel si Paolo Duterte at Atty. Mans Carpio laban kay Senador Antonio Trillanes

- Ayon kay Paolo Duterte ay walang katotohanan ang alegasyon ni Trillanes na kumukuha sila ng pera sa Uber

- Sa ngayon, binigyan ng 10 days si Trillanes para magkomento sa kaso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed Read

May mga balita noon na nagsasabing nagsampa ng kasong libel laban kay Senador Antonio Trillanes sina Paolo Duterte, dating Vice Mayor ng Davao City at anak ni Pangulong Rodrigo Duterte at si Atty. Mans Carpio, son-in-law naman ng Pangulo.

Matapos naman maihain ang kaso sa Davao City Office ay nalaman naman ng KAMI na binibigyan ngayon ng 10 days si Senador Trillanes upang magsumite ng counter affidavit laban sa kasong inihain sa kanya.

Base sa report ng GMA News na giit nila Paolo Duterte na walang katotohan ang alegasyon ni Senador Trillanes na kanyang sinabi sa isang radio interview. Sabi ni Trillanes na nanghihingi ng pera diumano si Duterte at Carpio sa Uber at ibang kompanya na under ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Road Board at Department of Public Works and Highways (DPWH).

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon pa kay Trillanes ay kasama sina Paolo Duterte at Mans Carpio sa extortion. Ngunit, depensa naman ni Duterte na hindi totoo ang mga ito at walang patunay si Senador Trillanes dito.

Sa ngayon ay hinaharap pa rin ni Senador Trillanes ang issue sa pagbawi sa kanyang amnestiya ayon sa Proclamation No. 752 na pinirmahan ni Pangulong Duterte.

POPULAR: Read more about Senator Trillanes here!

Sa tingin mo ba maaari mong sagutin ang mga ito nang tama? Ang mga indibidwal na mula sa Pilipinas ay may mga sagot! Kung ang isang Worm ay Namatay, Makakaapekto ba Ito Ay Matupok Ni Worm Masyadong? Ang tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin

Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin

Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel