Working mom, nakapag-breastfeed sa anak sa Pinas habang siya ay nasa London

Working mom, nakapag-breastfeed sa anak sa Pinas habang siya ay nasa London

- Napagtagumpayang magbreastfeed ng isang working mom na nasa London para sa kanyang masteral

- Nagtagal sa ibang bansa si Tanya Recalde sa loob ng siyam na buwan ngunit ginawan pa rin niya ng paraan na masigurong breastmilk ang makuha ng anak

- Malaking sakripisyo ang kanyang ginawa ngunit napagtagumpayan niya ito sa suporta ng kanyang asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Aminado ang working mom na si Tanya Recalde na nagdadalwang isip siyang iwan ang kanyang bagong panganak na sanggol para naman sa kanyang pangarap na na makatapos ng Masteral sa University of Cambridge in London, United Kingdom.

Nalaman ng KAMI na di raw inaasahan ni Tanya na matatanggap siya sa applicaton niya sa scholarship sa prestihiyosong unibersidad ng Cambridge. At nang matanggap niya ang balita na pasok siya sa unibersidad sa London, nagdadalang tao na siya.

Working mom, nakapag-breastfeed sa anak sa Pinas habang siya ay nasa London

Matagal nang pinangarap ni Tanya ang magtapos ng kanyang masteral kaya naman nahirapan talaga siyang magdesisyon.

Ngunit di na pinakawalan ni Tanya ang pagkakataong matagal na niyang pinapangarap. Kaya naman labag man sa kaloobang iwan ang mga anak na may edad noong pitong taon, apat na taon at apat na buwan, kinaya niya ang lahat sa suporta na rin ng kanyang mister.

“Siya ang nagsabi na tumuloy ako. He said he would be in charge,” kwento ni Tanya patungkol sa kanyang mister.

Kaya kahit mahirap gumawa siya ng paraan masiguro lang na makapagbreastfeed ang bunsong anak gaya ng ginawa niya sa dalawang anak.

Working mom, nakapag-breastfeed sa anak sa Pinas habang siya ay nasa London

Talagang bumili pa ng freezer si Tanya para lang mayroon siyang malagyan ng breastmilk sa kanyang baby. Nakilagay na rin siya sa freezer sa kanilang opisina at maging sa kamag-anak.

Humingi na rin ng tulong si Tanya sa LATCH, isang non-profit organization na konektado sa Arugaan

“She referred us to a wet nurse who went to our house to breastfeed Eli. She had a baby who was the same age as my son (same month and year), so tama ang nutrients ng breastmilk for his age,” kwento ni Tanya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakahanap sila ng ina na ayaw naman ng anak na mag-breastfeed. Swerte si Tanya na nakuha ito para pansamantalang mag-breastfeed kay Eli.

Ngunit di pa rin daw ito naging sapat kaya naghanap pa rin sila ng ibang pagkukunan hanggang sa makabalik si Tanya mula London.

Sa London, sukdulang nag-request pa siya sa unibersidad na tinutuluyan kung maari siyang magpasok ng freezer upang doon ilagay ang mga naiipong gatas na ipadadala parin sa anak na nasa Pilipinas.

Working mom, nakapag-breastfeed sa anak sa Pinas habang siya ay nasa London

Lahat ng paghihirap na ito ay dinanas ni Tanya ngunit lahat din ito ay nagbunga ng maganda dahil nakamit niya ang First Class Honours, isang De Hart Prize sa Law at siya ay nahala upang makapagtapos siya sa kanyang scholarship sa Christ’s College at the University of Cambridge.

Kaya naman laking pasalamat niya sa lahat ng tao na nasa likod ng kanyang tagumpay. Ang kanyang mga anak at asawa at sa lahat ng ina na tumulong na maisakatuparan pa rin ni Tanya ang pag-breastfeed sa anak na si Eli.

Working mom, nakapag-breastfeed sa anak sa Pinas habang siya ay nasa London

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Mga madre, nahuling nagnakaw ng pera para magcasino at magtravel sa Las Vegas

Mga madre, nahuling nagnakaw ng pera para magcasino at magtravel sa Las Vegas

Mga madre, nahuling nagnakaw ng pera para magcasino at magtravel sa Las Vegas
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel