Adorable "test tube babies" ng 4 sikat na showbiz celebs

Adorable "test tube babies" ng 4 sikat na showbiz celebs

Sila ang mga paboritong nating mga idolo na tumanggap ng isang magandang blessing sa pamamagitan ng pagsailalim sa proseso ng "vitro fertilization" para magkaroon ng mga cute babies.

Naglista ang GMA News Online ng iilan sa kanila, at ngayon, ibabahagi namin ngayon sa aming mga avid readers.

Heto ang apat na "test tube" celebrity babies ng mga kilalang showbiz celebs na naispatan ng KAMI sa nasabing listahan.

1. Scarlet Snow Belo nina Dr. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho

Ilang ulit na tayong pinamangha at inulang ng ka-cute-tan ni Scarlet Snow Belo.

Sya lang naman yata ang kaun-unahang celebrity baby na sumikat ng husto sa Instagram at umani ng milyon-milyong mga followers.

Hindi lang dahil sa kanyang pretty face kung hindi dahil rin sa kanyang angking galing at talino sa napakamurang edad, at ang kanyang sweetness, pagiging mabuting bata at paggalang sa mga matatanda ay talaga namang nakakabilib.

Ayon daw sa column ni Ricky Lo, gumastos daw sina Dr. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho ng diumano'y almost $200,000 o halos 8 million pesos para sa procedure.

2. Joel Cruz at ang kanyang 7 adorable kids

Isa rin ang kilalang multi-millionaire perfume entrepeneur na si Joel Cruz sa mga sikat na sumailalim daw sa naturang proseso.

Ang sikat na "Lord of Scents" ay pumili daw sa napakamahal na vitro fertilization procedure, ani pa sa ulat ng news source.

Ang pito sa kanyang anak, na ang unang anim ay mga kambal, ay galing sa isang Russian woman na ang pangalan ay Lilia, na siya umano ang source ng egg cells.

Milyon milyon lang naman daw ang ginastos ng yayamanin na si Joel Cruz, at talaga namang biniyayaan siya ng pitong sobrang cute na mga anak.

3. Maybelyn dela Cruz's baby Mia Olivia

Ayon pa sa balita, hindi daw alam ng nakakarami na ang dating child actress na ngayon ay isang city councilor na, na si Maybelyn dela Cruz, at ang kanyang mister na si Michael Fernandez ay iilan lang sa mga personalidad na nagdesisyon na sumailalim sa vitro fertilization.

Naghintay daw sila ng 9 years para sa kanilang anak na si baby Mia Olivia.

Nabuntis daw si Maybelyn noong 2016 pagkatapos sumailaim sa procedure sa Lee Women's Hospital sa Taichung, Taiwan.

4. Cristalle Belo

Kamakailan din ay binahagi namin dito ang 5 na mga Pinay na sumailalim sa "egg freezing" at isa si Crista Bello na umamin na sumailalim sa nasabing proseso.

Masayang ibinahagi pa niya sa kanyang Instagram page ang nasabing balita.

Ngayon, may super cute baby Hunter na siya ng kanyang mister na si James Pitt.

Dumagdag din sa listahan si Vina Morales, at tila marami pang mga sikat at ibang mga babae ang nagdesisyon na sumailalim sa "egg freezing" procedure.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
James Reid, hindi na kabilang sa mga tumanggap ng bituin sa Walk of Fame para sa taong 2018

James Reid, hindi na kabilang sa mga tumanggap ng bituin sa Walk of Fame para sa taong 2018

James Reid, hindi na kabilang sa mga tumanggap ng bituin sa Walk of Fame para sa taong 2018
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel