8 Good-looking married celebrity couples na inaabangan ang mga mini-mes

8 Good-looking married celebrity couples na inaabangan ang mga mini-mes

Heto ang 8 pairs of married good-looking celebrity couples na inaabangan ng mga faney ang kani-kanilang mini-mes dahil sigurado raw na magkasingganda o magkasinggwapo at talentado ang mga ito kagaya nila.

Una naming naispatan ang listahan sa Facebook page na Donya Ina na galing naman sa trendyfeed.net.

Ngayon, sisilipin ng KAMI ang mga sikat na mga good-looking husbands and wives sa showbiz na excited ang mga faney na makakita ng kanilang mini-mes.

1. Anne Curtis and Erwan Heussaff

Isa sa pinag-usapang kasalan sa showbiz ang kina Anne at Erwan dahil sa napakabonggang destinasyon, lokasyon, at sa mga kilalang mga bituin sa industriya na bumiyahe pa ng milya milya para lang umattend.

Ikinasal ang dalawang mahilig bumiyahe noong November 12, 2017, at sila rin ang dalawa sa mga showbiz couples na talaga kinasasabikan ang mga mini-mes dahil sa mga anking kagandahan at kagwapohan nila.

2. Billy Crawford and Coleen Garcia

Ang dalawa ay naging parte sa It's Showtime ng Kapamilya network, kung saan tila umusbong ang pag-iibigan.

Kinasal sila noong April 20, 2018, ayon na rin sa balita ng ABS-CBN, at tila ini-enjoy pa ng dalawa ang kanilang married life sa ngayon.

3. Jericho Rosales and Kim Jones

Si Echo at ang kanyang super gorgeous na model wifey ay kinasal noong May 1, 2014.

Wala pang mga mini-mes ang gwapo at magandang pares na ito pero si Jericho ay mayroon ng anak na lalaki sa dating partner.

4. Maxene Magalona and Robi Mananquil

Nagpakasal si Maxene kay Robi noong January 11, 2018, ayon na rin sa balita, at super excited na ang tagasubaysubay nila na makita ang kanilang mini-mes dahil pretty at handsome pair naman talaga ang dalawa.

5. Karylle Tatlonghari and Yael Yuzon

Ang It's Showtime host na si Karylle at ang kilalang bokalista ng bandang Sponge Cola na si Yael Yuzon ay isa sa maraming couples sa showbiz na kinasasabikan rin makita ang kani-kanilang mga mini-mes.

Nag "I dos" ang dalawa noong March 21, 2014.

6. Solenn Heussaff and and Nico Bolzico

Parehong mga good-looking couples na sikat sa social media kaya naman maraming mga faney na rin ang excited na makakita ng kanilang mini-mes.

Nagpakasal sila noong May 21, 2016.

7. Maricar Reyes and Richard Po*on

Ang dalawang fine-looking couple na ito ay kinasasabikan rin na makita ang kanilang mga mini-mes dahil sa kanilang sophisticated clean good looks' features.

Ikinasal sila noong June 9, 2013, ayon pa sa ulat ng Rappler.

8. Yeng Constantino and Yan Asuncion

Super excited din ang mga milyon-milyong tagahanga ni Yeng na makita ang kanyang mga mini-mes kay Yan Asuncion.

Kinasal sila noong February 14, 2015.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mahirap noon, yayamanin na ngayon! 5 Kapamilya stars na sumikat at yumaman

Mahirap noon, yayamanin na ngayon! 5 Kapamilya stars na sumikat at yumaman

Mahirap noon, yayamanin na ngayon! 5 Kapamilya stars na sumikat at yumaman
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel