5 taong gulang na bata, iniwan daw sa labas ng sinehan dahil di ito maaring manood ng 'The Nun'
- Viral ngayon ang larawan ng isang batang babae na di raw pinahintulutang manood ng 'The Nun'
- Naiwan ang bata sa labas ng sinehan habang ang lima pa niyang kasama ay tinuloy ang panonood
- Nagbigay suhestiyon na ang guwardiya na subukang i-refund na lamang ang tiket dahil kawawa ang bata ngunitiniwan pa rin ito at nagpatuloy sila sa panonood
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
"THE NUN v. THE CHILD" "BOTHERED & CONCERNED."
Ito ang mga panimulang kataga ni Nelson Mendoza sa kanyang post patungkol sa isang batang babae na naiwan sa labas ng sinehan na naghihintay sa kanyang mga kasama.
Ayon sa post, lima ang kasama ng bata na nasa hustong gulang na manonood ng pelikulang "The Nun". Ngunit dahil sa di pasok ang edad ng bata sa pelikula, di ito pinayagang manood kahit pa lima ang kasama nito.
Nalaman ng KAMI na pinarerefund na nga lamang sana sa mga ito ngunit mas pinili pa rin ng lima na ipagpatuloy ang panonood, at iwan ang bata sa labas ng sinehan sa loob ng halos dalawang oras.
Ayon pa kay Nelson, di daw dapat isinasawalang bahala ang mga ganitong kaganapan. Maging ang tagapamahal ng sinehan ay dapat nang nakialam sa ganitong bagay dahil sa pag-iwan sa bata sa labas, lahat sila ay magiging responsable sakaling may mangyari na di maganda rito.
"As simple as it may look, to parents leaving your child out and unsupervised is negligence and abusive. To the cinema's management, you are very strict about bringing in shawarma, pizza, pasta and canned drinks, you ought to be stricter in accepting "valuables" too," bahagi ng saloobin ni Nelson sa kanyang post.
Ang pelikulang "The Nun" ay may R-16 rating. Nangangahulugang di maaring papasukin sa sinehan ang may edad na 15 pababa.
Ang pelikulang ito ay tungkol sa isang mala-demonyong elemento na nag-anyong madre.
Samantala, di rin napigilan ng ilang netizens na maglabas ng kanilang saloobin sa kaganapan na ito. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"The parents of this girl is badly affected by the humanextremestupjdity virus. They are probably brainless by now."
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
"seriously? One adult could have easily made the “sacrifice”of not watching the fu#%*< film. They should be reported to Child Protective Services. This is abuse."
"Babae p man din un inwan nla sa labas mas matakot cla s ginawa nla kesa s pinanood nla."
"nakaka iyak ang mga taong tulad ng magulang nya. They should not have been given the privelage of having children."
"What???!!! When did this happen and where? Wow! Just WOW!!! Someone should have just kept her company, kahit di niya kasama. Or maybe fed her nalang there with something while waiting for her “friends and family” to come out so they can get an earful! Hayop din!!!"
"I'm so disgusted ! What's wrong with these people !"
"Grabe ako mas gugustuhin ko pang kumain nalang kami ng sabay sabay at mag world of fun sa mall kesa maiwan anak kong babae sa labas.."
Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!
Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh