10 Throwback pictures ng mga sikat na showbiz couples

10 Throwback pictures ng mga sikat na showbiz couples

Wala ng mas nakakapanggigil pa kung hindi ang mga cute na mga babies at kaya naman naglista ang GMA News Online ng mga super gigil worthy photos ng mga sikat na mukha sa showbiz.

At ngayon sa KAMI, ating titingnan ang 10 sa kanila.

Dito natin malalaman kung gaano sila kakacute noong baby pa sila or sa kanilang mga kabataan sa pagsilip ng kanilang baby pictures o childhood photos na kanilang binahagi sa kani-kanilang social media accounts.

1. Lucy Torres-Gomez

Kahit noong baby pa ay kitang-kita ang kanyang angelic face na hanggang ngayon siya ay nasa 40s na niya ay tila walang kakupas kupas ang mala-anghel niyang mukha.

Kaya naman hindi nakapagpigil ang mga fans na magkomento sa kanyang throwback baby picture.

"pretty na talaga kahit maliit baby pa"

"so tisay"

"Awww another cutie pie "

"pretty little girl"

2. Richard Gomez

Ang magandang butihing maybahay ni Mayor Richard Gomez ang nagshare ng kanyang baby pic sa Instagram, at agree na agree din naman kami sa mapupungay at nakakaakit na mga mata ng actor-politician.

At hindi din naman makapagpigil ang mga netizens sa pag-agree kay Lucy.

"cutie pie you gotta love his eyes"

"gwapo na pala talaga xa noon"

"Kahit nong bata pa sya gwapo na talaga..."

"Pogi na tlg kht nun pa"

3. Marian Rivera

Ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera naman ay feel na feel ang pagkahawig ng kanyang baby Zia sa kanya noong baby pa sya.

Umagree naman ang mga faney.

" super carbon copy "

"Kamukhang kamukha"

"wlang pinagkaiba kamukha tlaga"

"magkamukha kayo ni baby letizia"

4. Dingdong Dantes

Hindi din naman nagpahuli si Dingdong Dantes sa kanyang magandang misis at nagbahagi ng ilang throwback pictures din niya, at naispatan namin ang isa na nasa taas.

Walang ibang masabi ang mga fans kung hindi:

"cute"

"so cute"

"cute dong"

"cutee"

5. Toni Gonzaga

Nagbahagi din si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano o mas kilala sa showbiz na si Toni Gonzaga ng isang throwback pic nila ng kanyang sissum Alex Gonzaga.

Kitang-kita naman ang pagkakalog at kwela ni Alex G, at ang pagkaseryoso na ate ni Toni G.

Kaya naman napacomment ang kanilang mga tagahanga sa cutiepie pic nilang dalawa.

"Ate Celestine be like "Katherine" *with authorative voice* "

"@cathygonzaga isang makulit at @celestinegonzaga isang seryoso hehehe...very cute"

"Hahahaha cute cuteeee tlgaaa nitoooo"

"The cutest sisters ever Toni and Alex Gonzaga "

6. Paul Soriano

Shinare din naman ni Celestine ang mga cute childhood photos ni Direk Paul Soriano pati na rin ang pretty mommy nito na si Marissa Soriano, at talaga namang masasabi mo, good looks run in the family.

Ang iba parang nagmalik-mata at ang akala si Seve.

"He looks like baby Seve"

"kamuka nya si chambeeeee "

"Aba’y kamukha ni Seve"

" tila pinag biyak na bunga "

7. Carmina Villaroel

Sa childhood snap ni Carmina Villaroel na nahanap namin sa Facebook page ay makikita na ang nakatagong charm ng aktres, at lutang na lutang ang mga mukha ng mga kambal niya sa kanya.

Ito ay sa sikat niyang commercial sa Pinoy fastfood chain na Jollibee.

"Jollibee days naiwan sya ni kuya."

"yong daughter pla nya ang kahawig nya when carmina was young..."

"Mavy"

" ur face and ur daughter isamong kambal girl same face.."

8. Zoren Legaspi

Isang faney naman ang nagshare ng throwback picture ni Zoren Legaspi noong kabataan pa niya.

Napacomment naman ang ilang netizens sa nasabing tbt ng fan.

"Walang pinagbago."

"bagets"

9. Charlene Gonzales

Isang tagahang rin ang nagbahagi ng throwback picture ni Charlene Gonzales noong pagsali niya sa Miss Universe at hindi naman mawari kung ang nasa right side picture ay siya pa rin ba.

Kung siya yan ay masasabi nating she's really set to be a beauty queen.

10. Aga Muhlach

Ang pinsan naman ni Aga Muhlach na si Niño Muhlach, ang child wonder ng kanyang henerasyon, ang nagshare ng kanilang throwback picture.

Tila wala ng iba pang nasabi ang mga fans kung hindi cute.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado

Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado

Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel