Mocha Uson at blogger Drew Olivar, binatikos ni Sen. Nancy Binay sa pangiinsulto sign language

Mocha Uson at blogger Drew Olivar, binatikos ni Sen. Nancy Binay sa pangiinsulto sign language

-Binatikos ni Senator Nancy Binay si Asec. Mocha Uson at ang blogger na si Drew Olivar dahil sa tila pangba-bastos umano ni Olivar sa sign language

-Nangyari ito sa isa sa mga video ni Uson na-publish sa kanyang facebook page

-Humingi naman ng public apology si Olivar sa pamamagitan din ng facebook live

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muli na namang nasa headline si Asec. Mocha Uson at ang blogger na si Drew Olivar dahil sa umano'y mapanuksong panggagaya ni Olivar sa sign language.

Si Senator Nancy Binay na siyang author ng bill na kumikilala sa Filipino Sign Language bilang official medium of communication, binatikos ang dalawa.

"Hindi nakakatuwa ang huling video ni Asec. Mocha Uson at Drew Olivar. It is disrespectful to the sizeable Deaf/Mute community who already struggle in airing their concerns and aspirations,

"Such discriminatory actions set back our efforts to make our society more inclusive by providing a more conducive environment for Deaf Filipinos to exercise their right to expression without prejudice," pahayag ni Binay.

"As a public official, it is paramount that she refrain from mocking the people she serves." Dagdag pa nito. "Sign language should never be made an amusement piece,"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, Marya Angcay, leader ng Deaf community sa bansa, hindi rin nagustuhan ang ginawa ni Uson at Olivar. Sa isang facebook post, ipinahayag ni Angcay ang kanyang saloobin kaugnay nito. Ipinalala umano ng video ang mga panahong hindi siya makalaban sa mga taong minamaliit ang kanyang kakayahan noon.

"Our natural sign language is NOT A JOKE!!! It is a visual language of the Deaf people, the means of communication of the Deaf community around the world,"

Binatikos din ni Angcay ang umano'y panghihimok pa ni Uson kay Olivar sa kontrobersyal na video habang ang deaf community ay nananatiling nakikipaglaban sa pagkakapantay-pantay.

"Because your fake signing can be bastos... You work as government official, right? What gives you the right to do this to us?"

Nagbigay ng public apology si Olivar kaugnay nito sa pamamagitan ng facebook live.

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Pinoy strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado

Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado

Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel