Babaeng nakamaskara, lakas loob na humihingi ng akap sa publiko dahil siya raw ay "depressed"

Babaeng nakamaskara, lakas loob na humihingi ng akap sa publiko dahil siya raw ay "depressed"

- Viral ang larawan at video ng babaeng nakamaskara at humihingi ng yakap sa kung sinumang tao na nais siyang yakapin

- Ayon sa babae, nakararanas daw siya ng depresyon

- Marami naman ang tumugon at maging ang mga netizens ay nais ding mayakap ang babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang mga larawan at video ng isang babae na nasa gilid ng kalsada at may maskara na humihingi ng "free hugs" sa kung sinuman ang magmamagandang loob na gumawa nito sa kanya.

Nalaman ng KAMI na dumadaan daw sa depresyon ang babae at nais lamang niyang lumakas ang kanyang loob sa kung sinuman ang yayakap sa kanya.

Ayon sa nagpost na may pangalang "κειυαμμ σμμ φιμοομ" sa facebook, nakakalungkot daw pagmasdana ang babae ngunit nakatutuwang isipin na may mga taong lumalapit talaga sa kanya at pinagbibigyan ang kanyang hiling.

Makikita sa video na may ilang kabataang lumapit at yumakap sa kanya habang ang iba ay nanonood at nakikiusyoso lamang.

Mayroon ding isang babaeng masasabing may edad na ang nagpaunlak ng yakap. Maging ang isang batang lalaki na mukhang wala pang muwang sa depresyon ay nag-atubiling yumakap sa babae.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Emosyonal ang bawat tagpo na maging ang mga netizens ay nadurog ang puso dahil isang seryosong sitwasyon ang depresyon.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sad, naluha ako dun"

"Grabe, sakit sa dibdib..."

"Sana yung mga nanood nayakap din yung babae"

Masasabing isang seryosong kaso ang depresyon. Kung hindi kasi ito naapulahan o naagapan, maari itong kumitil sa sariling buhay ng nakararanas nito.

In this social experiment, you can see how different people react when a man throws a garbage bag right next to them. How will they handle the littering problem? Will, they pick it up or leave it? Philippines Social Experiment: Do Locals Care About The Environment? | HumanMeteron KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinay nurse, 1 sa mga nag-alaga at napalapit kay dating US Pres. George H.W. Bush

Pinay nurse, 1 sa mga nag-alaga at napalapit kay dating US Pres. George H.W. Bush

Pinay nurse, 1 sa mga nag-alaga at napalapit kay dating US Pres. George H.W. Bush
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel