Mister, di raw obligado sa gawaing bahay dahil siya'y naghahanapbuhay

Mister, di raw obligado sa gawaing bahay dahil siya'y naghahanapbuhay

- Isang misis ang nagbahagi ng paninidigan ng mister na dahil may may hanapbuhay naman siya, di na siya obligado sa mga gawaing bahay

- Ang masaklap pa nito, may trabaho naman ang misis na siyang gumagawa naman din ng lahat ng gawaing bahay

- Sa tuwing pag-uusapan nila ang pagkilos ng mister sa bahay, nauuwi lamang ito sa kanilang pagtatalo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng isang misis ang kanyang palagiang nararansan sa kanyang mister kung saan wala di na nito magawang tulungan siya sa mga gawaing bahay.

Tila di naman daw ito makatarungan sapagkat may trabaho rin ang misis.

Sa salaysay ng misis sa smartparenting.ph, minabuti nilang di kumuha ng kasambahay dahil sa hirap ng magtiwala sa mga ito.

Mister, di raw obligado sa gawaing bahay dahil siya'y naghahanapbuhay

Kaya naman tyinatyaga ng misis na pagkasyahin ang kanyang araw sa lahat ng gawain niya sa kanyang pamilya.

Nalaman ng KAMI na alas 4:00 ng umaga umuuwi ng misis. Di paraw maayos ang tulog nito dahil sa baby nilang paggising gising. Kapag di pa gaanong pagod, babangon ito para magluto ng almusal.

Matapos nito, maglilinis na siya at maghuhugas ng santambak na hugasan na iniwan na lamang ng kanyang mister.

Matapos ang mga ito saka lamang siya makakatulog ngunit mapuputol din dahil gigising siya ng tanghali para maghanda naman ng panaghalian, papaliguan ang baby at lilinisin ang mga kagamitan nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kung tutuusin daw, wala nang ibang gawa ang mister kundi ang ihatid ang kanilang anak sa kanyang biyenan at sunduin ito.

Kapag nakuha naman daw nito ang kanilang anak, di rin naman daw ito nakikipag-bonding dito dahil sa madalas hawak ng mister ang cellphone o mismong gaming console at wala na itong inatupag kundi ang maglaro.

Sa tuwing sinusubukan daw ng misis na pag-usapan sana nila ito ng mister, nauuwi lamang daw ito sa away hanggang sa siya na rin ang sumusuko dahil ang ending, siya pa rin ang gagawa ng mga gawaing bahay.

Ang katwiran kasi ng lalaki, naghahanapbuhay naman daw siya kaya bakit pa siya gagawa ng gawaing bahay.

Ngunit, dapat din daw niya sanang intindihin na may trabaho rin ang misis na panggabi pa kaya mas mahirap ang pahinga.

Mister, di raw obligado sa gawaing bahay dahil siya'y naghahanapbuhay

Dahil dito, nakaranas ng depresyon ang misis at naisipan ding makipaghiwalay. Ngunit, dahil sa ayaw nitong lumaki ang anak na walang ama, di naman niya magawa.

Sa kabila naman daw kasi ng di paggawa ng kanyang mister ng mga gawaing bahay ay masasabi naman niyang mabuting tao ito.

Sana lang daw, maisip ng kanyang asawa at lahat ng mister na may parehong sitwasyon na maging patas sa mga gampanin bilang katuwang ng misis sa tahanan. Maging sensitibo raw sana ang mga ito na gumawa rin ng mga gawaing bahay bilang respeto na rin sa kanilang mga misis na nag-uumapaw na rin ang gampanin.

In this social experiment, you can see how different people react when a man throws a garbage bag right next to them. How will they handle the littering problem? Will, they pick it up or leave it? Philippines Social Experiment: Do Locals Care About The Environment? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019

Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019

Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel