Klaudia Koronel, napaiyak nang ibinahagi ang natutunan sa hiwalayan

Klaudia Koronel, napaiyak nang ibinahagi ang natutunan sa hiwalayan

- Laman ng mga pahayagan ang hiwalayan nina Klaudia Koronel at ang mayamang asawa nito kamakailan lang

- Napaiyak na lang ang dating aktres nang ibinahagi ang kanyang natutunan sa paghihiwalay niya at kanyang mister

- Muling naalala ni Klaudia ang mga masasakit na alaala sa pagbalik tanaw niya sa nangyari habang ibinabahagi ang mga realizations niya sa buhay at pag-aasawa

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naispatan namin ang isang one-on-one interview kay Klaudia Koronel sa YouTube na inupload ng channel RideR. pH.

Dito nalaman ng KAMI ang tila totoong dahilan sa hiwalayan niya at dating mister na napaluha pa ang dating aktres habang nagkukuwento.

Bungad na tanong kay Klaudia, ay ang tungkol sa natutunan niya sa pagpili sa taong mamahalin.

Sagot ng dating aktres:

"Unang-una hindi lang dapat pagmamahal. Dapat unang-una pareho kayo ng faith, 'yung may takot sa Diyos yung taong pakakasalan mo."

Dagdag pa niya:

"Pinaka number yung may mabuting puso."
"Kasi sa pag-aasawa, hindi lang pera. Magkakaroon magkakaroon kayo ng away financial eh. Imagine mo, mayaman na kami bakit pa kami nag-aaway. Di ba?"
"Ang pinaka da best na mapapangasawa mo hindi lang sa hitsura dapat ang hanapin mo. Hindi lang dapat financial. Kailangan din talaga may mabuting puso. Iyon lang talaga ang matitira kung nagsasama na kayo."
"Kasi the love mafafade yan eh. Pero kung meron kayong respeto sa isa't isa, may pagmamahal kayo sa isa't isa, hindi mo pipiliin na makasakit ka ng asawa mo; na muramurahin mo ang asawa mo."

Pagpatuloy ni Klaudia ay naibahagi niya ang pagmamaliit daw ng kanyang mister sa kanya pati daw ang eskwelahan ng pinag-aralan niya ay minamaliit umano ng dating asawa.

Tingnan ang nakakapanlumo na buong interview sa baba.

Ibinahagi namin kamakailan ang pagtangka ng kanyang buhay umano dahil rin sa nasabing pinagdadaanan niya.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakagulantang! 5 rason kung bakit diumano iniwan ni Regine Velasquez ang GMA at lumipat sa ABS-CBN

Nakakagulantang! 5 rason kung bakit diumano iniwan ni Regine Velasquez ang GMA at lumipat sa ABS-CBN

Nakakagulantang! 5 rason kung bakit diumano iniwan ni Regine Velasquez ang GMA at lumipat sa ABS-CBN
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel