Marvel Superhero wedding film ng Pinoy couple, pinanganga ang netizens sa mala-hollywood nitong effects

Marvel Superhero wedding film ng Pinoy couple, pinanganga ang netizens sa mala-hollywood nitong effects

-Viral ngayon ang wedding film ng mag-asawang nakilalang sina Morris at Maria dahil sa galing ng effects nito na mala-hollywood ang dating

- Makikitang hango ang wedding film sa Angers:Infinity War ng mga Marvel Superheroes

- Umani ng papuri ang bahagi ng produksyon ng wedding video na pang-hollywood daw talaga sa galing ng effects

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umabot na sa 2.4 million views ang naiibang wedding video ng mag-asawang sina Morris at Maria kung saan hango sa Avengers: Infinity War ang konsepto.

Nalaman ng KAMI na avid fans daw pala talaga ang dalawa ng Marvel Comic Universe Kaya naman naisip nila ang ganitong tema ng kanilang wedding video.

Halo-halong reaksyon daw ang madarama mo sa video ngunit mangingibabaw ang pagkamangha dahil para kang nanonood ng hollywood na pelikula sa galing ng visual effects.

Sa post ng Wonderlast films na siyang gumawa ng wedding video, nilinaw nila na ginawa nila ito para kina Morris at Maria lamang at di ito isang commercial.

"This wedding film was made for a couple who extremely loves the MCU. Made by a bunch of crazy filmmakers who just want to make awesome films. This is for non-commercial use, please don’t sue us," paliwanag nila.

Nahahawig ang kwento ng wedding film sa mga infinity stones sa pinakahuling pelikula ng Avengers.

Sa kwento nga lang nina Morris at Maria, "heart stone" ang nakapagligtas sa kanila dahil ang kanilang pagmamahalan ang nangibabaw sa lahat.

"I think anyone can be hero. We may not have the special powers like those in the comics, but being there for someone when they need you the most or knowing that somebody's always got your back, for me I think that's enough," ani Maria sa video.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, napa-wow talaga ang mga netizens sa galing ng pagkakagawa ng wedding film. Ang iba pa nga ay nagsasabing dapat kinukuha ang mga talentadong gumawa nito sa mga fantaserye ng bansa na tila kinukulang daw sa paggawa ng nakamamanghang visual effects.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"But its a great milestone knowing its for a wedding tribute. Filipino producers should take gamble on this stuff"

"Wow did they play this during the reception? just. wow!"

"I believe the CGI took 6 weeks to make but the editing on the final sequence was edited the same day as the wedding so you can't discount them for that."

"Where were you when Victor Magtanggol needed you? Lol jk"

"HY CAN'T BIG TV NETWORKS DO THIS? LIKE ABS-CBN and GMA? when they all have the budget? considering this short film is a low-cost one. we could have good sci-fi/fantasy movies or series na pwede makipag sabayan internationally! HAYYYST. nakakapang hinayang!YOU, GUYS, ARE AMAZING!!"

In this social experiment, you can see how different people react when a man throws a garbage bag right next to them. How will they handle the littering problem? Will, they pick it up or leave it? Philippines Social Experiment: Do Locals Care About The Environment? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin

Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin

Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel