7 Yayamaning OOTD fashionista looks ni Heart Evangelista sa NYFW

7 Yayamaning OOTD fashionista looks ni Heart Evangelista sa NYFW

Winner na winner naman talaga si Darling of the Philippines Heart Evangelista sa kanyang pag-attend sa katatapos lang na New York Fashion Week.

Hindi naman tayo iniwan ni Heart sa ere dahil binigyan nya tayo ng mga pasilip sa kanyang mga fabulous outfits at accessories sa nasabing prestihiyosong fashion event.

Ang isa sa "Real Crazy Rich Asians" ng Harper's Bazaar ay hindi talaga nagpatalbog sa mga Hollywood at Fashion world's A-listers dahil bonggang bongga din naman ang mga outfits at accessories na sinuot at dalang dala ng Kapuso aktres sa affair.

Kaya naman inilista ng cosmo.ph ang 6 yayamaning OOTD fashionista looks ni Heart Evangelista sa NYFW.

At ngayon sa KAMI, sisilipin natin ang mga ito.

1. Rhett Eala

Ang Mindanao beaded top na isa sa sinuot ni Heart Evangelista sa New Yor Fashion week ay gawa ng isang local designer natin.

2. Kate Spade

Ani pa nga ng mga eksperto sa fashion, ang summer dress na ito na gawa ni Kate Spade na sinuot ni Heart sa fashion show ng sikat na fashion designer sa New York Fashion Week, at naka rubbing elbows pa niya si Kate Bosworth.

At super bagay din naman ang kanyang pink crossbody bag sa kanyang OOTD look.

3. Prabal Gurung

At go na go si Heart sa stylish red pantsuit na gawa ng Nepalese designer na si Prabal Gurung.

Gusto daw ni Heart ang pilosopiya ng brand ng huli.

Ani pa nga niya sa pagkakita niya sa Spring 2019 collection ng designer sa kanyang IG post:

"We love his brand philosophy too! Heart got a peep at his Spring 2019 collection and couldn't get enough of it! "Prabal Gurung's Spring 2019 collection showcased a world of diversity, fearlessness, and boldness. The whole collection reflected this philosophy. I loved every single piece that went down the runway! Congratulations on the show, @prabalgurung!"

4. Tibi

Ang suot suot ng Kapuso aktres na "coordinated gingham pantsuit" ay galing sa New York-based brand na Tibi.

Ayon pa sa fashion magazine source, ang brand na ito ay makikita raw sa mga prestihiyosong "clothing stores" gaya ng Bergdorf Goodman at Saks Fifth Avenue.

Ang flashy red heels ni Heart ay Christian Louboutin, at trendy, dainty bag niya ay Tori Burch.

5. Topshop

Hindi din pahuhuli ang "functional, stylish coat" sa City that never sleeps fashion statement.

Super gorgeous naman talagang tingnan ang plaid coat na ito na galing sa Topshop at pinaresan pa nya ng white Schutz heels.

6. Dior

Hindi din nagpahuli ang kanyang accessory na mga woven Dior cotton bracelets.

7. Mark Bumgarner

Ang last pero absolutely not the least ang award-winning at agaw-pansin na black dress ni Heart Evangelista na galing sa isa sa kanyang "go-to-designers" na si Mark Bumgarner.

Sa katunayan, naging isa sa best-dressed si Heart sa 2018 Harper's Bazaar's ICONS party.

Ibinalita namin kamakailan lang ang pagdalo ni Heart sa NYFW at ang paghirang sa kanya bilang isa sa best-dressed ng gabi.

Ikinasal si Heart Evangelista kay Senator Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015.

Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores.

Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Sa kasamaang palad, parehong pumanaw ang kambal habang siya ay buntis.

POPULAR: Read more news about Heart Evangelista here

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Saranghaeyo Oppa! Top 13 Filipino celebs na kinababaliwan ng mga kababaihan

Saranghaeyo Oppa! Top 13 Filipino celebs na kinababaliwan ng mga kababaihan

Saranghaeyo Oppa! Top 13 Filipino celebs na kinababaliwan ng mga kababaihan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel