Pangulong Duterte, kinampihan si Imee Marcos nang hindi pagbigyan ng COA

Pangulong Duterte, kinampihan si Imee Marcos nang hindi pagbigyan ng COA

- Hindi pinayagang mag cash advance ng COA si Ilocos Norte Governor Imee Marcos

- Ayon kay Imee Marcos, ang pera ay para sa mga nasalanta ng bagyo

- Kaya naman agad hiniritan ni Pangulong Duterte ang mga taga-COA

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang interagency briefing sa Laoag, Ilocos Norte ay binira ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Commission on Audit (COA) sa hindi pagbigay ng cash advance para sa materyales para sa mga nasalanta ng bagyo katulad ng GI sheets.

Nalaman ng KAMI na ayon kay Ilocos Norte Governor Imee Marcos ay tanging P15,000 na cash advance lang ibinigay ng COA para sa pagkain ng mga pamilyang naapektuhan ng bagyo.

Sabi ni Imee Marcos, “Lahat hindi puwedeng i-cash advance and this occurred over the weekend, which made things more difficult sir,”

Kaya naman hirit ng Pangulo ay, “Sino taga COA dito? Ihulog muna sa hagdanan para hindi maka-report,”

“Maniwala ka niyang COA na 'yan. You know, you just do it by circular and then they expect everybody to obey. Mga circular, pakialam ko?” sabi rin ni Pangulong Duterte.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dagdag rin ng Pangulo na may mga nakulong dahil sa circular ng COA ngunit may ibang nakalusot rin naman. Sinabi rin ni Duterte na walang bisa ang circular hangga’t hindi ito napapatupad bilang batas o regulation.

Sinabi rin sa report ng ABS-CBN News na halos P2.3 billion ang nasira sa Ilocos Norte ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council. Mahigit P440 million naman ang nawala dahil sa mga nasirang infrastructure at P1.9 billion naman sa mga pananim.

POPULAR: Read more about President Duterte here!

Sa ngayon ay gagawin namin ang blackpink ddu-du ddu-du dance sa publiko. Gusto mo bang malaman kung paano tumugon ang mga estranghero sa blackpink kpop performance? Paano ka tutugon sa isang random na kpop performance? Gusto mo bang sumali o umalis? - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019

Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019

Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel