Lalaban ang puso! Japeth Aguilar at Matthew Wright, magbabalik sa Gilas Pilipinas

Lalaban ang puso! Japeth Aguilar at Matthew Wright, magbabalik sa Gilas Pilipinas

- Magbabalik na sa Gilas Pilipinas sina Matthew Wright at Japeth Aguilar

- Makakasama rin nila sa laro si naturalized player Stanley Pringle

- Ang Gilas Pilipinas ay lalaban sa Qatar ngayong Setyembre 17 sa isang ‘closed-door’ match

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon sa head coach ng Gilas Pilipinas na si Yeng Guiao ay magbabalik na sina Matthew Wright at Japeth Aguilar para mas palakasin pa ang national team sa FIBA World Cup Qualifiers.

Dagdag pa ng coach na na-miss nila ang dalawa dahil malaki sana ang matutulong nila sa laban kahit noong sa Asian Games 2018 pa lang.

Nalaman rin ng KAMI na imbis na si Christian Standhardinger ay si Stanley Pringle na ang maglalaro ngayon bilang naturalized player ng team. Ayon kay Guiao ay isa itong “agonizing decision” para sa kanya. Ngunit, sigurado naman siyang malaki ang ma-i-aambag ni Pringle sa laban nila.

Base sa report ng ABS-CBN News ay lalaban ang Gilas Pilipinas ngayong Lunes, Setyembre 17, 7:30 p.m. laban sa Qatar. Ito ay gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Magiging kakaiba ang laban ngayon dahil ito ay closed-door game. Sinabi rin ni Guiao na inihahanda na nila ang mga sarili nila sapagkat first time nilang lalaban na walang audience at walang mag-chi-cheer sa kanila para magpalakas ng kanilang loob.

Sabi ni Guiao, “Mami-miss namin 'yung crowd,” pero mas mabuti na raw ito kaysa lumaban sa ibang bansa katulad nang nangyari sa laban nila ng Iran noong Setyembre 13 kung saan natalo ang Pilipinas, 73-81.

Ang closed-door game ay isa sa mga naging kapalit dahil naging rambol ng Gilas at Australian team noon sa FIBA. Nakisali rin ang ilang mga audience noon kaya naman ipinagbabawal na ang mga ito manood ngayon. Ito rin ang naging dahilan ng pagsuspinde kina Matthew Wright at Japeth Aguilar.

POPULAR: Read more about Gilas Pilipinas here!

Sa ngayon ay gagawin namin ang blackpink ddu-du ddu-du dance sa publiko. Gusto mo bang malaman kung paano tumugon ang mga estranghero sa blackpink kpop performance? Paano ka tutugon sa isang random na kpop performance? Gusto mo bang sumali o umalis? - on KAMI HumanMeter Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay

4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay

4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel