Jillian Ward, handa na raw iwan ang childstar roles

Jillian Ward, handa na raw iwan ang childstar roles

- Teenager na nga ang dating child star na si Jillian Ward

- Ayon sa kanya, unti-unti na rin siyang nag-aadjust sa mas mature na role

- Napapansin na rin ang kanyang talento sa pag-awit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw pansin ang ganda ni Jillian Ward na ngayon ay isa nang teenager. nahihilig siya sa mga lumang kanta base sa mga kino cover niyang mga kanta.

Sa kanyang edad na 13 taong gulang ay wala daw crush si Jillian na kaedad niya.

Palagi niyang sinasabing sina Aljur Abrenica at ang Victor Magtanggol lead star na si Alden Richards ang kanyang crush noong siya ay maliit pa.

Unti-unti na nga nag ma-mature ang roles na nabibigay sa kanya tulad ng papel niya sa My Special Tatay bilang si Odette Villaroman na isang kikay na teenager.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakilala siya bilang cute na cute na bibong bata sa kanyang mga naging paggananp lalo na bilang si Trudis Liit. Handa na nga raw siyang iwan ang kanyang mga roles at tumanggap ng mas mature na roles.

“Ang edad ko nga po dito parang sixteen po yata.”

Dahil nga nasanay siya sa mga naging roles niya, aminado siyang medyo nahihirapan siya sa pag-adjust. Ngayon lang din daw siya gaganap sa isang maarte (o kikay) na papel hindi tulad dati na madalas ay simpleng bata ang karakter na ginagampanan niya.

“Kaya iba po siya,” paglalahad niya.

Nabago na rin umano ang pananamit niya upang lalong maging convincing ang kanyang pagiging teenager.

“Nag-i-skirt na po ako, 'tapos mga pang-Korean po yung suot ko,” aniya.

Kadalasan naka short lamang at t-shirt si Jillian noon kapag nag tataping. Apat na taong gulang lamang siya nang magsimula sa showbiz.

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
‘Rest now, Papa!’ Garie Concepcion bursts out in pain over death of grandfather

‘Rest now, Papa!’ Garie Concepcion bursts out in pain over death of grandfather

‘Rest now, Papa!’ Garie Concepcion bursts out in pain over death of grandfather
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel