Rescuers, naging emosyonal nang matagpuan ang natabunang pamilya sa landslide sa Nueva Vizcaya

Rescuers, naging emosyonal nang matagpuan ang natabunang pamilya sa landslide sa Nueva Vizcaya

- Naging emosyonal ang mga rescuers nang matagpuan ang mga bangkay ng mag-anak sa landslide

- May ilang rescuers din ang sinakripisyo ang sariling buhay makapagligtas lamang

- Maging ang mga netizens ay nadurog ang puso nang makita ang mga binahaging larawan ng rescuers sa Nueva Vizcaya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Iba't ibang pinsala ang naidulot ng pinakamalakas na bagyo sa taong ito. Bukod sa pagbaha at pagkasira ng ilang mga kabahayan, isa sa pinakamalalang nangyari ay ang landslide na sanhi ng pagkamatay ng ilan nating mga kababayan.

Matapos ang pananalasa ni "Ompong", naglipa na ang mga rescuers na buwis buhay ding naghanap sa mga natabunan ng lupa, buhay pa man ang mga ito o hindi na.

Nalaman ng KAMI na di naiwasang maging emosyonal nang ilang rescuers lalo na nang matagpuan nila ang bangkay ng mag-anak ng natabunan sa landslide sa sa Brgy. Banao, bayan ng Kayapa, Nueva Vizcaya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alaman din na ang mga labi ay may edad na 36-anyos, 19-anyos, 2-anyos at 8 buwang sanggol.

Nakaligtas naman ang tatlong pang bata na kaanak ng mga namatay dahil sa nanatili sila sa evacuation center.

Nagpaiwan daw ang mga biktima na natabunan kaya naman ganoon na lamang ang sinapit nila.

Samantala, dahil sa peligro din ng pagliligtas sa mga biktima, napabalitang dalawang rescuers din ang namatay sa Cordillera.

In this social experiment, you can see how different people react when a man throws a garbage bag right next to them. How will they handle the littering problem? Will, they pick it up or leave it? Philippines Social Experiment: Do Locals Care About The Environment? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinay nurse, 1 sa mga nag-alaga at napalapit kay dating US Pres. George H.W. Bush

Pinay nurse, 1 sa mga nag-alaga at napalapit kay dating US Pres. George H.W. Bush

Pinay nurse, 1 sa mga nag-alaga at napalapit kay dating US Pres. George H.W. Bush
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel