Kaya pala walang text! Larawan ni "NDRRMC" na may kasamang babae, nag-viral

Kaya pala walang text! Larawan ni "NDRRMC" na may kasamang babae, nag-viral

- Nag-viral ang larawan ng lalaking naka-vest ng "NDRRMC" na may kasamang babae sa social media

- Lumipas ang magdamag ng Setyembre 13 at walang natanggap na babala sa text ng NDRRMC ang mga Pinoy na pinagtaka ng karamihan

- Tila ginawang katuwaan ang larawan na sinasabing kaya wala raw text ang NDRRMC ay dahil may "ka-date" ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging kontrobersyal nang wala sa oras ang larawan ng isang lalaki na may vest ng NDRRMC at may kasama itong babae.

Nalaman ng KAMI na pinalabas ng nag-post na kaya pala walang babala mula Sa National Disaster Risk Reduction Management Council ay dahil sa may "ka-date" raw ito.

Naglabasan kasi ang ilang internet meme kung saan nagtataka ang karamihan bakit kung kailan "super typhoon" ang pumasok sa bansa ngunit walang gaanong text bilang babala mula sa NDRRMC.

Dahil dito, tila naging katatawanan ang larawan na sinundan pa ng paingay ding post kung saan sinisita ang NDRRMC kung bakita walang text at pinaghinalaang may "babae" pala ito.

Kahit paano, napatawa raw ng kaunti ang mga kababayan nating nangamba sa pagbayo ng bagyong Ompong.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"dati maiirita k kakatext ngaun kung kailan kailangan ng update walang paramdam!!’"

“Kaya pala . Selosa yan c ate gurl ! Binura nia siguro lahat nang Number naten sa Phonebook nia”

“Kasalanan din natin. kasi sa dami ng tinetext nya. wala manlang kahit isa na NAGPASALAMAT! ayun naghanap tuloy ng taong nakaka-appreciate ng effort nya. “

“ noong nag tetext sya.wala kang paki at naiirita pa. pero ngayong wala na.hinahanap nyo na”

"“Alam ko di ko siya nirereplayan. Puro seen zone. Kaya siguro napagod. Pero sana itinatanong niya kung bakit. May issue kasi sa text. Di mareplayan.”

“Kaw na nga lang natitirang concern samin pinagpalit mo pa kame huhu “

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Agot Isidro, umiinit raw ang ulo sa diumano'y mga excuses ni Imelda Marcos

Agot Isidro, umiinit raw ang ulo sa diumano'y mga excuses ni Imelda Marcos

Agot Isidro, umiinit raw ang ulo sa diumano'y mga excuses ni Imelda Marcos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel