Gigil niyo si mamang! Pokwang, bumuwelta sa mga negative commenters

Gigil niyo si mamang! Pokwang, bumuwelta sa mga negative commenters

- Umani naman ito ng iba't-ibang reaksiyon ang paghayag ng hinaing ni Pokwang

- Ito ay matapos makapagbayad isang oras pa lamang ang nakalipas

- Bumuwelta siya sa mga netizens na tila hindi kumbinsido sa kanyang naging dahilan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naimbiyerna si Pokwang sa mga netizens na naging negatibo ang pagtanggap sa kanyang rant sa social media tungkol sa pagkaputol ng linya ng kanilang kuryente.

Naghayag ng kanyang sama ng loob ang komedyanteng si Pokwang matapos silang maputulan ng kuryente. Ito ay sa kabila ng kanyang ginawang pagbayad ng kanilang electricity bill isang oras pa laman umano ang nakakalipas.

Magkakahalo ang naging reaksyon ng netizens sa hinaing ni Pokwang tungkol sa pagputol ng Meralco sa linya ng kanilang kuryente.Ayon sa tweet ni Pokwang, naging busy siya sa trabaho kaya nakaligtaan niya agad bayaran ang kanilang kuryente.

May mga kumampi kay Pokwang at mayroon ding hindi sum,ang-ayon sa ginawa niyang pagbahagi ng kanyang hinaing sa social media.

Kabilang sa mga negatibong komento ay nagsabing kaya nga may due date ang bill; dapat ay sumusunod sa batas; hindi siya dapat feeling entitled; lahat naman daw ay busy.

Kaya naman, katwiran ni Pokwang, ang dahilan kung bakit apektadong -apektado siya ay dahil may sakit ang anak niya at kailangan niyang i nebulize si Malia.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Si Marietta Subong o mas kilala bilang si Pokwang ay isang komedyante, TV host, singer at product endorser. Kadalasang tungkol sa sarili niya ang kanyang mga biro kapag siya ay nagpapatawa. Ibinahagi ng komedyante ang kanyang pakikipagrelasyon sa aktor na Amerikanong si Lee O'Brian. noong buwan ng Enero noong 2015.

Nabuntis siya ngunit sa kasamaang palad ay nakunan noong Agosto ng parehong taon. Muli siyang nagbuntis at ibinahagi niya ito sa kanyang Twiiter account noong June 16, 2017. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Briani sa Antipolo City noong January 18, 2018.

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy

Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy

Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel