Batang kalye na binilhan ng pagkain sa carinderia, di raw pinagamit ng plato at di rin pinapasok

Batang kalye na binilhan ng pagkain sa carinderia, di raw pinagamit ng plato at di rin pinapasok

- Viral ang post tungkol sa diskriminasyon sa batang kalye na binilhan ng pagkain sa carinderia

- Binahagi ng nagmalasakit na bumili ng pagkain sa bata kung paano raw ito trinato ng taga-carinderia

- Umani ng iba't ibang reaksyon ang post at karamihan ay namumuhi sa babaeng bantay ng carinderia dahil daw sa diskriminasyon sa bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang post ng facebook user na si Hillela Nikud kung saan binahagi niya kung paano nakaranas ng diskriminasyon ang batang lansangan na nanghingi sa kanya ng pambili ng pagkain.

Ayon sa post, gabi ng Setyembre 13 nang lapitan si Hillela ng batang lansangan habang bumibili sila sa carinderia sa kanto ng Towerville at 711.

Nagmalasakit si Hillela na bilhan din ng 2 kanin at isang order ng ulam ang bata upang ito ay makakain.

Iniwan na nila ang bata sa pag-aakalang kakain na lamang ito. Ngunit nang napalingon daw si Hillela, laking gulat niya na di pala pinapasok ang bata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napansin din niya na hindi pala manlang pinagamit ng plato o anumang kubyertos ang bata.

Kumakain ito sa plastik, at may plastik lang din ang kanyang mga kamay.

Di natuwa si Hillela sa nakita kaya naman naisipang kuhanan ng litrato ang babaeng di nabanggit king tindera o may-ari mismo ng carinderia na di nagpapasok sa bata.

Kung tutuusin daw kasi, customer pa rin ang bata. Sana manlang din ay pinahiram ang bata ng plato kung talagang makakapaekto ang kanyang karumihan sa ibang mga kumakain doon.

Samantala, nagngitngit sa inis ang ilang netizens sa kitang kitang diskriminasyon sa batang lansangan.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Nag-aalala si ate baka mandiri mga regular customer nia at d na cia bilhan.. Pero sana bnigyan man lang upuan at Plato ang bata dahil customer din yun"
"May mga tao tlga na wlng puso.."
"Sa inyo kaya gawin ganoon!"
"yon nga sana ginawa nila sir Ferdz pero sa plastic. pa inilagay. sa plato man lang sana."
"God bless you kapatid na tumulong/nagbigay ng pagkain sa bata"

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel