Dingdong Dantes, na-‘pack up’ nang maaga sa shooting dahil kay Ryan Bang

Dingdong Dantes, na-‘pack up’ nang maaga sa shooting dahil kay Ryan Bang

- Naunsyame ang shooting ng aktor na si Dingdong Dantes dahil kay Ryan Bang

- Ito ay ibinunyag ng It’s Showtime host na si Vice Ganda sa isang episode nito

- Humingi naman ng paumanhin si Ryan dahil sa nangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Napauwi nang maaga ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes sa kaniyang shooting dahil sa It’s Showtime host na si Ryan Bang.

Nalaman ng KAMI na naka-schedule pala ang dalawang aktor na mag shooting para sa nalalapit nilang pelikula na “Fantastika: The Princesses, The Prince and the Perya.”

Ibinunyag ng Phenomenal star at isa rin sa mga bida ng nasabing pelikula na si Vice Ganda ang dahilan kung bakit naudlot ang taping day ni Dingdong.

Sa isang episode ng noontime show na It’s Showtime, nag promote ang aktor na si Ryan para sa pagwawakas ng daytime serye nitong "Sana Dalawa Ang Puso" kung saan kasama niya si Jodi Sta. Maria, Richard Yap, at Robin Padilla.

Ngunit binara agad ni Vice ang Korean heartthrob at nagbanta na baka tanggalin na siya sa pelikula dahil sa hindi pagsipot nito sa taping nila ni Dingdong.

“Abangan mo rin ang ending ng movie natin, mukhang hindi ka na kasama,” biro ng Sisterakas star.

“Nung nakaraang shooting namin, na-pack up si Dingdong dahil hindi siya dumating,” dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil sa nangyari, humingi ng tawad si Ryan sa naturang Kapuso actor at inaming hindi niya kagustuhan ang nangyari.

Pinaliwanag din nito na naging busy siya para sa last episode ng kanilang daytime serye kaya’t hindi siya nakapunta sa taping ng Fantastika.

“Sorry, sorry talaga kasi last day namin, last episode (sa teleserye), kaya Kuya Dingdong, I love you so much, like, so much…” pahayag ni Ryan.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, sweet na sweet na ginising ng aktor ang kaniyang asawang si Marian Rivera at anak na si Baby Zia upang sorpresahin sa kaarawan ng aktres.

Si Dingdong, o Jose Sixto Gonzalez Dantes III sa tunay na buhay, ay isang aktor, commercial model, at film producer. Noong 2014, pinakasalan niya ang matagal niya nang kasintahan na si Marian sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao.

POPULAR: Read more news about Dingdong Dantes!

Imagine that you’re walking down streets of the Philippines, thinking of your work, friends, and family. Suddenly a man walking in front of you drops his wallet. He continues walking, without realizing that he has just lost all his money. What would you do in this situation? Social Experiment: How Honest Are People Around You? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Christian Bautista marries non-showbiz girlfriend Kat Ramnani

Christian Bautista marries non-showbiz girlfriend Kat Ramnani

Christian Bautista marries non-showbiz girlfriend Kat Ramnani
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel