Amang buhat ang anak na may sakit sa kasagsagan ng bagyong Ompong, nag-viral

Amang buhat ang anak na may sakit sa kasagsagan ng bagyong Ompong, nag-viral

- Viral sa social media ang larawan ng amang buhat ang anak upang mailipat sa ibang ambulansya

- Na-trap ang ambulansyang sakay ang batang may sakit sa poste ng kuryente na natumba sa kalsada

- Nadurog ang puso ng mga netizen na walang ibang hangad kundi ang gumaling ang bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa social media ang larawan ng ama na yapos ang anak na naka-swero upang mailipat ng ibang sasakyan.

Nalaman ng KAMI na di makadaan ang sinasakyang ambulansya ng bata dahil sa natumbang poste ng kuryente sanhi nang hagupit ng bagyong Ompong sa Cagayan.

Kuha ng news agency na Agence France Presse, talagang maraming netizens ang nag-alala sa bata kung ito ba ay nakarating sa ospital sa tamang oras.

Amang buhat ang anak na may sakit sa kasagsagan ng bagyong Ompong, nag-viral

source: Ted Aljibe, Agence France Presse
Source: Depositphotos

Ito na rin daw sana ang maging daan upang pag-isipan ng pamahalaan na gawing underground ang mga linya ng kuryente.

Wala namang ibang hangad ang mga netizens na nakakita ng post kundi ang makarating ng maayos ang bata sa ospital at gumaling na rin agad ito. Hangad din nila ang seguridad na pamilya ng bata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pasado 1:40 ng madaling araw nang binayo ng bagyong Ompong ang Baggao, Cagayan ayon sa state weather bureau ng PAGASA.

Ang bagyong Ompong ang pinakalakas na tumama sa bansa sa taong ito. Dahil dito, limang landslides ang naitala sa umaga ng Sabado, Setyembre 15.

Ayon sa Pagasa inaasahang lalabas na ng Philippine area of responsibility ang bagyong Ompong, linggo ng umaga, Setyembre 16.

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan

Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan

Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel