Mga kabataang umatake sa lolo sa jeep, nasakote na ng Pulisya

Mga kabataang umatake sa lolo sa jeep, nasakote na ng Pulisya

- Nag-viral ang video ng pag-atake ng grupo ng mga 'batang hamog' sa lolo noong Setyembre 14

- Nanlaban ang lolo na pilit inaagawan ng animo'y maliit na bag ng mga kabataan na walang awa sa matanda

- Nasa pudar na ngayon ng pulisya ang 7 kabataan na sangkot sa insidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nasa kustodiya na ng mga pulis ang 7 kabataan na walang awang umatake sa isang jeep at inatake ang isang matandang pasahero nito.

Nag-viral ang video kung saan kitang kita kung paano nilooban ng grupo ng mga batang hamog ang jeep sa may Taft Ave. at kinaladkad ang isang lolo na sakay nito.

Sa naunang naibalaita ng KAMI, nagngingit sa galit ang mga netizens nang pagtulungan ng mga kabataan ang lolo palabas ng jeep at pilit na inaagaw ang tila isang maliit na bag na hawak nito.

Nang makalabas na sa jeep, tuloy pa rin ang agawan at talagang nasaktan ang matandang nanlaban huwag lamang makuha ang asul na maliit na bag.

Ang nakadagdag pa ng panganib sa insidente ay ang hawak na stick ng isa sa pitong batang kumuyog sa lolo. Nakalakad palayo ang matanda ngunit di na nalaman kung nasundan pa siya o hindi na ng mga kabataan.

Ayon sa Philippine Star, isasailalim na ang pitong bata sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Narito ang ilang larawan na kuha sa insidente:

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Sobrang apektado siya! Kris Aquino, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap

Sobrang apektado siya! Kris Aquino, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap

Sobrang apektado siya! Kris Aquino, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel