Nakapanlulumo?! Rufa Mae Quinto "below the title" daw ang billing

Nakapanlulumo?! Rufa Mae Quinto "below the title" daw ang billing

- Nakapanlulumo daw ang "below the title" billing ni Rufa Mae Quinto sa pelikulang pinagbibidahan ni Alex Gonzaga ang Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ko

- Tila hindi ito tanggap ng ibang mga tao ang pagkalagay ng pangalan ni Rufa Mae sa nasabing pelikula

- Iba iba naman ang reaksyon ng mga netizens tungkol sa isyung ito

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ani pa sa balita ng PEP ni Jerry Olea, masikip daw sa dibdib ang billing ni Rufa Mae sa poster ng pelikulang Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ko na pinagbibidahan ni Alex Gonzaga.

Ayon pa sa kanya, bukod-tangi lang daw ang pangalan ni Alex Gonzaga ang "above the title."

Dagdag pa niya, magkakahilera daw sa unang linya ang "super-below the title" ang mga starring na sina Vin Abrenica, Jerald Napoles and Candy Pangilinan.

Saad pa niya:

"Opo, may AND bago ang name ni Candy."

Sa kasunod na linya umano ang "Also starring," at dito na ang pangalan ni Rufa Mae Quinto, at sumunod naman ang pangalan nina Jayson Gainza, Loisa Andalio, Alora Sasam, at Joj Agpangan.

At tinapos niya ito sa salita na "nakakapanlumo."

Spotted ng KAMI ang reaksyon ni Gorgy Rula sa balitang ito.

Ani niya, wala naman daw reklamo si Rufa Mae Quinto dito at hayaan na lang ito sa aktres o sa manager niya ang magreklamo.

Proven din naman ang box-office success ng mga movies din niya, kaya daw ay maga-focus na lang sa pelikula lalo na't first directorial job ito ng PBB grad na si Fifth Solomon.

Todo react din naman ang mga netizens ng kanilang comments.

"kung support lang naman sya, bakit hinde."
"oks lang yun.mahalaga me work wag.ng mag taas pride.kesa matingga di ba billing is not impt.to.me.lalo nat tagal na din ala movie or teleserye.ruffa mae"
"Ok na kesa sa wala"
"Masyadong issue sa inyo yan haha wala nang pake si Ruffa sa ganyan, hello Mayaman asawa niyan haha "
"Masyado nyo ginaagwang ng issue. Na hindi nman dapat. Kung si Ruffa Mae kibit balikat lang. Baka nga d nya naisip ang ganyan."

Si Rufa Mae Quinto ay nag-umpisa sa That's Entertainment noong 1996, at ang kauna-unahang major role niya ay ang Gloria, Gloria Labandera noong 1997.

Sumikat at naging kilala ng husto si Rufa sa karakter na Booba at Boobita Rose.

Ilang awards na rin ang pinanalo ni Rufa Mae Quinto.

Ngayon ay makikita siya sa Home Sweetie Home kasama sina Piolo Pascual, Ogie Alcasid, at Toni Gonzaga.

POPULAR: Read more news about Rufa Mae Quinto here

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan

Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan

Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel